18/07/2022
Nice initiative..WASH..WiNS
π£π₯π’π¬πππ§π’π‘π πππ£π£π¬ ππ‘π πππππ§ππ¬ π¦πππ’π’π π¦π πππ’πππ’, πππ‘πππππ π¦π ππ¨π’π‘π π π¨π‘ππ’ | Kinilalang isa sa Top 10 schools ang Malitbog National High School sa Calinog, Iloilo sa Worldβs Best School Prize for Supporting Healthy Lives category dahil sa kanilang proyektong Healthy and Happy School.
Naglalayon ang programa na maging inspiring at empowering ang paaralan para sa mga mag-aaral upang matulungan sila sa pagkamit ng kanilang mga pangarap. Sinusuportahan ang Healthy and Happy School ng mga sub-program ng paaralan upang masiguro na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mag-aaral. Kabilang sa mga programang ito ang home and school gardening, home-based wellness, clean water and sanitation, mental health programs, at learning space enhancement.
Nang magsimula ang pandemya, nasa 80% ng mga magulang ang nag-aalala sa paggabay sa kanilang mga anak para sa pagpapatupad ng blended learning, ngunit matapos ang paggabay ng paaralan sa kanila, 85% na ng mga magulang ang nagpahayag na komportable na silang magturo sa kanilang mga anak sa bahay.
βWe have high regard for education and people have high respect for teachers that is why they give their all-out support to the school and to the education of their children in general,β pagbabahagi ni Dr. Jesus Insilada, Punongguro ng MNHS.
Inaasahan na sa Oktubre ngayong taon iaanunsyo ang mga nagwagi sa Worldβs Best Schools ng T4 Education. Kung manalo ang MNHS, plano nilang ibahagi at palawakin ang kanilang programa sa iba pang mga paaralan sa kanilang munisipalidad sa pamamagitan ng isang summit para sa isang sesyon ng pagbabahagi ng best practices sa pagbuo ng positibong lugar para sa pag-aaral. Bilang pagpapalawak din ng programa, maglalaan sila ng pampatayo ng Happy and Healthy Park na may mga halaman, gulay, at puno upang magsilbing lugar para makapag-relax at makapag-usap ang mga taong bahagi ng paaralan.
βWith these proposals, it is with high hopes that communities and stakeholders will come together to realize these dreams and to make our school a model school in terms of its readiness, positive vibes, and harmonious relationships that exist among its stakeholders,β dagdag ni Dr. Insilada.