31/12/2025
Heto magandang balita na naman. 2 loving seniors bumisita upang subukan ang Natural Healing Protocol.
Kinombensi na sila noon pa, subalit ngayon palang nakapag decide, dahil subrang naisturbuhan na sa kanilang mga iniindang sakit na kahit ano-anong gamot na ang sinubukan ay wala parin.
Ngunit may maganda pala silang balita tungkol sa ating natulongan noon, na kakilala pala nila.
Seven(7) years ago, meron kasi tayong naging pasyente na subrang namanas na with frozen shoulder, joints and fingers. Di ako makapaniwala dati na may ganong klase palang pamamanas. Na buong katawan. Mula finger sa paa hanggang batok, mukha, talokap ng mata. Likud, lieg, lahat2x na. Ang daliri sa kamay ay di na mabuksan. Ang tiyan ay para ng kahoy sa tigas. Di na makabangon at halos di narin lumabas ang boses dahil sa kahinaan. Kahit mga kapit bahay ko, ng binuhat ang pasyente ay nagsitinginan at nagsabing... "patay yan"
Kaya sa isip ko ay bastat mag improve lng after 1 week, tapos ang boxing. At yun nga ang nangyari. After 1 week pumayat. Payat pala, at kita na ang mga buto at mga marka ng veins na naka emboss. Kinuha ako ng anak at pinatingnan, kaya nalaman ko.
And after 1 month kahit di ako nakabalik, pero tinawagan kasi ako ng anak, sabay kunting pigil sa iyak sa pasasalamat, dahil nakalakad naraw papa nya. Pero mabagal palang. Pero mula noon ay di ko na alam. Puro nalang tanong ang nasa isip ko...kon ano na kaya nangyari sa pasyenteng iyon. Napatanong ako kong buhay pa ba sya. At di ko sukat akalain, ang pasyente ko ngayon ay magkokwento pala tungkol sa kanya. Nasagot rin sa wakas. 😁
Those moments I keep on praying to Jah. Na sana'y e bless nya ang pagsisikap kong makatulong. At sinagot nga❤️❤️❤️