19/04/2026
✨ Isang Paalala para sa mga Naglilingkod sa Paggaling ✨
Ang mapatungan ng kamay ay gagaling sa sakit at karamdaman ngunit hindi dahil sa atin lamang, kundi dahil tayo ay kasangkapan ng Diyos.
Sa bawat paghilot, hindi lang pisikal na katawan ang ating inaabot, kundi pati ang kaluluwa ng tao. Kaya mahalaga na ang ating gawain ay may kasamang panalangin, malasakit, at tunay na pag-ibig sa kapwa.
Sa loob ng 6 na taon kong paglilingkod, natutunan ko na hindi dapat pera ang maging pangunahing dahilan ng ating trabaho. Kapag pera lang ang hanap, mapapagod ka at magsasawa. Ngunit kapag ang ginagawa natin ay naka-connect sa Diyos, nagiging magaan ang lahat dahil ito ay biyaya at talento na galing sa Kanya.
Hindi ko tinitingnan kung sino ang may kaya o wala. Sapagkat kapag nagpagaling ka ng taong walang kakayahang magbayad, doble doble ang biyayang babalik sa’yo. Ang Diyos mismo ang magbabalik ng higit pa sa iyong inaasahan.
Bihira ang nagpapahilot na walang karamdaman kaya bawat pagkakataon ay isang misyon. Isang tawag upang maglingkod, magpagaling, at magbigay pag-asa.
Sana lahat ng naglilingkod sa ganitong larangan ay patuloy na ipaalala:
👉 Ang Diyos ang dakilang manggagamot.
👉 Tayo ay Kanyang mga kasangkapan lamang para sa Kanyang kaluwalhatian.
Humingi ka at ikaw ay bibigyan.
Kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan.
Humanap ka at ang Diyos ang magbibigay ng mga taong lalapit sa’yo mga kliyenteng magpapakita ng biyayang higit pa sa inaasahan.
Samahan natin ng pag-ibig ang ating talento. Dahil ang Diyos ay hindi magsasawang magpadala ng biyayang kailangan natin sa bawat araw. 🙏