18/09/2025
👶🦠 Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD)
Ang HFMD ay isang karaniwang sakit na dulot ng virus na madalas nakikita sa mga bata, pero maaari ring tamaan ang matatanda.
🔸Sanhi: Enterovirus (karaniwan Coxsackievirus)
🔸Paano nahahawa: Droplets mula ubo/pagbahing, contact sa laway, dumi, o likido mula sa pantal (rashes).
Mga Palatandaan at Sintomas:
✔️ Lagnat
✔️ Sakit ng lalamunan
✔️ Singaw o sugat sa loob ng bibig
✔️ Pantal o paltos sa kamay, paa, at minsan sa pwet
✔️ Walang ganang kumain / iritable ang bata
Paano Maiiwasan:
▫️Madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
▫️Linisin at idisinfect ang mga laruan at gamit na madalas hinahawakan
▫️Iwasan muna ang close contact (yakap, halik, gamit ng parehong kubyertos) sa may sakit
▫️Huwag munang papasukin sa eskwela o daycare ang batang may sintomas para hindi makahawa
Paggamot:
•Walang partikular na gamot — kusang gumagaling sa loob ng 7–10 araw
•Bigyan ng maraming tubig para iwas dehydration
•Paracetamol para sa lagnat o sakit (iwasan ang aspirin sa mga bata)
•Kumonsulta agad sa doktor kung malubha o ayaw uminom ang bata
🧼 Kalinisang pangkalusugan at maagap na pagkilala sa sintomas ang susi para maprotektahan ang pamilya at komunidad.