Brgy. Sto. Niño Health Promotion

Brgy. Sto. Niño Health Promotion Barangay Sto. Niño Health Promotion Official page ✅
Sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga
👶🏻💉💊🤰🏻🤱

PAUNAWA at PAALALA 📢Para po sa lahat ng pupunta sa ating HEALTH CENTER para sa CHECK UP, FAMILY PLANNING, DISPENSING NG ...
26/01/2026

PAUNAWA at PAALALA 📢

Para po sa lahat ng pupunta sa ating HEALTH CENTER para sa CHECK UP, FAMILY PLANNING, DISPENSING NG GAMOT at iba pang serbisyong pangkalusugan, kinakailangan pong magdala ng VALID ID.

Para naman po sa mga edad 20 taong gulang pababa, mangyaring magdala ng VALID ID, PSA o BIRTH CERTIFICATE, at VALID ID ng magulang o guardian.

Maraming salamat po 😊

08/01/2026

Kasabay ng pagbaba ng temperatura ngayong Enero, uso na naman ang flu! Ibig sabihin lang ay mas madaling kumakalat ang virus o bacteria na dulot ng influenza-like illnesses (ILI) o trangkaso.

Huwag mangamba, basta't siguraduhin lamang na sundin pa rin ang minimun public health standards gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay at pag-disinfect ng mga gamit, pagsuot ng facemask, pa-iwas sa masisikip at mataong lugar, at pagpapanatili ng magandang air flow at bentilasyon sa silid.

Patuloy din na ipinapayo ng Bataan Provincial Health Office na takpan ang bibig at ilong sa tuwing uubo o babahing at siguraduhin na bakunado, protektado ang buong pamilya. Tandaan, ang trangkaso ay naipapasa sa pamamagitan ng droplets na galing sa ubo o bahing ng taong may sakit.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog at produktibong komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


07/01/2026

Dahil unang buwan na ng 2026, Oplan Goodbye Bulate na! Simulan ng tama ang taon, hinihikayat ng Provincial Health Office ang lahat ng mga magulang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na barangay health station sa inyong lugar para sa napapanahong deworming ng inyong mga anak na nasa edad 1-19 na taong gulang.

Kunin na rin ang pagkakataong ito upang ipatimbang ang inyong mga anak na nasa edad 0-59 na buwan upang malaman ang kanilang nutritional status nang sa ganon ay maibigay ang sapat at wastong pagkain na lubos na makatutulong sa kanilang maayos na paglaki.

Tandaan, ang batang may wastong nutrisyon ay aktibo at bibo sa bahay at sa eskuwela. Sama-sama tayo sa pagkamit ng matatag na pamilyang Bataeño.


29/12/2025

Muling ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na istriktong ipinatutupad sa Pilipinas ang RA No. 7183 o ang batas na nagreregula sa pagbebenta, paggawa, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices.

Kaakibat naman ng tradisyong pinoy ng pagsalubong sa bagong taon, ipinapayo ang paginom ng mga bitamina upang mapalakas ang immune system dahil madalang maiwasan ngayon ang pakikisalamuha sa kapwa, kasama na diyan ang ating nakagawiang pagpupuyat sa gabi bago sumapit ang bagong taon.

Bukod dito, dapat din nating isaisip na ang pagkain ng sobra ay hindi maganda sa ating kalusugan. Ipinapayo na iwasan ang pagkain ng sobrang matataba at masesebong pagkain. Hindi rin maganda sa kalusugan ang sobrang pagkain ng matatamis pati na ang pag-iinom ng alak at paninigarilyo.

Gawing ligtas, masaya, at makulay ang pagsalubong sa bagong taon. Gawin ito ng tama upang maiwasan ang biglaang pagbisita sa ospital.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng ligtas at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


Happy Birthday, Kap Baggy! 🎂🎉🎊🎈Your leadership, compassion, and hard work inspire our community every day. May this spec...
13/12/2025

Happy Birthday, Kap Baggy! 🎂🎉🎊🎈
Your leadership, compassion, and hard work inspire our community every day. May this special day be filled with joy, good health, and the appreciation you truly deserve. Thank you for serving our barangay with a genuine heart. 🤍✨

13/12/2025
04/12/2025

ALAM NIYO BA?
Isa sa mga tungkulin ng ating baga ay magbigay ng oxygen sa ating dugo at tisyu sa katawan. Isang malaking parte ng ating sistema upang maayos na mapagana ang bawat bahagi at organo ng ating katawan. Dahilan upang mas lalo pa nating ingatan at pahalagahan ang ating mga baga.

Kaya naman ngayong Lung Cancer Awareness Month muling paalala ng Bataan Provincial Health Office na:
-Huwag manigarilyo upang sarili at mga mahal sa buhay ay maiiwas sa banta ng cancer

-Iwasan na makalanghap ng usok mula sa sigarilyo ng iba, usok mula sa nasusunog na bagay, at usok mula sa mga sasakyan

-Protektahan ang sarili mula sa mga delikadong kemikal na nakahalo sa hangin; ipinapayo pa rin ang tamang pagsuot ng facemask; at

-Pasiglahin ang inyong baga sa natural na paraan gaya ng regular na pag-eehersisyo at pagkain ng masusustansya

-Magtungo sa pinakamalapit na primary care facility o barangay health station sa inyong lugar sakaling may hindi normal na nararamdaman.

Tandaan, ang cancer na maagang natuklasan ay mas madaling gamutin kumpara sa cancer na umabot na sa malalang yugto.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at smoke-free na komunidad para sa malusog na baga ng bawat miyembro ng pamilyang Bataeño.

Happy Birthday to an amazing Barangay Health Worker! Your service, patience, and kindness help keep the community health...
04/12/2025

Happy Birthday to an amazing Barangay Health Worker! Your service, patience, and kindness help keep the community healthy and hopeful. May this year shower you with blessings, gratitude, and the happiness you truly deserve. 🎉🎊🎈✨

Happy Birthday!You work quietly behind the scenes, but your impact is loud and unforgettable. The way you serve with a g...
02/12/2025

Happy Birthday!
You work quietly behind the scenes, but your impact is loud and unforgettable. The way you serve with a genuine heart, pure intentions, and true dedication inspires everyone around you. May your life be filled with the same kindness you give to others. 🤍✨

22/11/2025

ALAM NIYO BA?
Isa (1) sa bawat sampung (10) produktong medikal dito sa Pilipinas ay PEKE o may mababang kaledad, ito ay ayon sa World Health Organization (WHO) mula sa kanilang pag-aaral sa mga developing countries kabilang ang ating bansa.

Sa pagdiriwang ng National Consciousness Week Against Counterfeit Medicine ngayong ikatlong linggo ng Nobyembre, na may temang "Isang Bayan, Isang Laban, Pekeng Gamot ay Iwasan", nais hikayatin ng Bataan Provincial Health Office na makiisa at makibahagi sa pagsugpo ng pekeng gamot.

Sakali mang mayroon kayong mabiling hinihinalang gamot na hindi rehistrado o mga pekeng gamot, huwag mag-atubiling ipaalam sa mga awtoridad.

Ipinapaalala sa lahat na maigting pa ring ipinatutupad sa Pilipinas ang Republic Act No. 8203 o ang Special Law on Counterfeit Drugs na nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot na hindi rehistrado ng Food and Drug Administration at paggawa ng mga gamot na hindi sumusunod sa mga tuntuning nakapaloob sa batas na ito.

Tandaan, ang mga counterfeit drugs o mga gamot na hindi nakapasa sa pagsusuri ng mga awtoridad, pati na ang mga gamot na nag-expire na ay makapagdudulot ng masamang epekto sa katawan ng tao o hayop.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


Address

Barangay Sto. Niño
Dinalupihan
2110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Sto. Niño Health Promotion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram