01/06/2020
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.10157929629346858&type=3
PUBLIC ADVISORY: Simula sa Lunes, unang araw ng Hunyo, 2020 ang atin pong Lalawigan ay sasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) alinsunod sa pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa rekomendasyon ng National IATF.
Bagama’t nasa ilalim na po tayo ng GCQ, nais ko lamang pong paalalahanan ang lahat na huwag po tayong magkampante dahil ang GCQ ay isang uri po ng QUARANTINE na naglilimita pa rin sa ating mga galaw at aktibidad, ayon sa mga alituntuning inilatag ng IATF.
Patuloy din pong ipinaaalala sa lahat na kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat dahil ang ating kalabang virus ay maaaring nandyan lang sa paligid at hindi po natin alam kung ang nakakasalamuha natin ay infected na dahil ang iba ay asymptomatic.
Kaugnay ng kaganapang ito, narito po ang ilan sa mahahalagang alituntunin na mahigpit pa ring ipatutupad sa ilalim ng GCQ.
1. Nananatili pa rin po ang mga checkpoints dahil mahalagang ma monitor at malimitahan pa rin natin ang pagpasok ng mga tao at sasakyan sa ating Lalawigan.
2. Ang mga manggagawa na pinapayagan nang makabalik sa trabaho ay kinakailangan pa ring magpakita ng Company ID at employment certificate; samantalang kailangan pa rin nilang makipag-ugnayan sa kani-kanilang pamahalaang lokal kung kinakailangan pa rin nilang kumuha ng travel pass o travel authority.
3. Mga kinakailangan o essential travels pa rin po ang pinahihintulutan; ang mga wala pang 21 taong gulang at lagpas 60 taong gulang at ang may mga karamdaman ay pinapayuhang manatili pa rin sa kanilang mga tahanan.
4. Makabubuti pa rin po na manatili sa bahay kung walang mahalagang lakad at kung kailangang lumabas, siguruhin pong gumamit ng facemask, sundin ang social distancing at palaging paghuhugas ng kamay.
5. Sa ilalim ng pangalawang kategorya, limampung porsyento (50%) pa lamang ng mga manggagawa ang pinapayagang makabalik na sa trabaho na kinakailangan lamang na magpakita ng Company ID at employment certificate upang makapasok sa kanilang trabaho.
6. Pinaaalalahanan ang mga may-ari ng establisyementong na mahigpit na sundin ang mga alituntuning nauna nang inilatag ng pamahalaan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga manggagawa.
7. Limitado pa rin ang mga pampublikong sasakyan, pinahintulutan na ang mga tricycle subalit isang pasahero lamang, habang sa mga motorsiklo ay bawal pa rin ang may angkas. Hinggil sa mga pampublikong transportasyon gaya ng mga bus at jeepneys hinihintay pa po natin ang mga tagubilin ng LTFRB ukol dito
Marami pong salamat sa inyong patuloy na pakikisa at ibayong pag-iingat para sa lahat.