31/01/2026
NEWS || January 30, 2026
Brgy. Fatima, Dulag, Leyte
CEREMONIAL GROUNDBREAKING OF DOH-TRC DULAG FACILITY EXPANSION
Pormal nang ipinahayag ng DOH-TRC Dulag ang proyekto nitong facility expansion sa pamamagitan ng isang natatanging Groundbreaking Ceremony na pinangunahan ng ating butihing Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan, Secretary Ted Herbosa, at DOH-TRC Dulag Chief of Hospital III, Dr. Portia B. Gravoso-Aliposa. Ito ay ginanap noong January 30, 2026 sa Barangay Fatima, Dulag, Leyte. Kasama sa mga dumalo sa naturang okasyon ang Regional Director ng DOH-EV CHD, Dr. Exuperia B. Sabalberino, ARD Catherine Miral, Dir. Tina Marasigan ng Health Promotion Bureau, PhilHealth Staff, DOH Central Office and DOH Eastern Visayas staff, at mga kawani ng DOH-TRC Dulag.
Ang layunin ng proyektong ito ay para (1) tugunan ang admission waiting time lalo na ng mga Court-mandated patients, (2) magkaroon ng sapat na pasilidad para sa mga female patients, juveniles, members ng LGBTQIA+, at iba pa na may mga espesyal na pangangailangan, at (3) mas mapalawak ang iba pang mga serbisyong ibinibigay ng DOH-TRC Dulag tulad ng Animal Bite Treatment Services, Yakap at Gamot Program, Laboratory Services, X-ray Services, Detoxification Services, Dental Services, at iba pa.
Hindi naging madali ang proseso para maumpisahan ang proyektong ito. Pero dahil sa pagpupursige ng DOH-TRC Dulag, nakabili ito ng lupa sa pamamagitan ng hospital income nito. Sabi nga ni Health Secretary Ted Herbosa sa kanyang mensahe, "You have impressed me the last time I visited your facility because of your services being offered even beyond your mandate, at ito na naman, you have impressed me more."
Asahan na mas maraming pang matutulungan ang DOH-TRC Dulag dahil sa proyektong ito. Asahan po niyo na hindi sasayangin ng DOH-TRC Dulag ang tiwalang ipinagkaloob ng mga Pilipino.
Ang DOH-TRC Dulag ay nagpapasalamat sa mga sumusunod:
-Hon. Mayor Jade Agullo
-Dulag Municipal Police Station
-Dulag MDRRMO and Traffic Enforcers
-Cabucangan National High School Marching Band
-Hon. Wilma at ng mga residente ng Brgy. Fatima, Dulag, Leyte