13/03/2026
๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐๐ถ๐ธ๐ฎ!
Ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Marso ang Philippine Digestive Health Week upang bigyang-diin ang kahalagahan ng maayos na panunaw sa ating pangkalahatang kalusugan.
Ang pagpili sa masustansyang pagkain at pag-iwas sa mga pagkaing matataba at mamantika ay malaking tulong upang mapanatiling masigla ang ating digestive system. Sa pamamagitan ng pagsunod sa Pinggang Pinoy na mayaman sa fiber at pag-inom ng sapat na tubig ay maiiwasan natin ang mga karaniwang sakit sa tiyan gaya ng constipation.
Ugaliing kumain nang tama at kumonsulta agad sa doktor kung makaranas ng mga sintomas gaya ng pagsusuka, heartburn, o pananakit ng tiyan para sa iyong kapakanan.
Ang malusog na digestive system ay pundasyon ng isang malakas at masiglang pangangatawan.