15/02/2026
𝗗𝗲𝗺𝗼𝗻𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗺𝗽𝗮𝗰𝘁, 𝗙𝗿𝗼𝗺 𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲 𝘁𝗼 𝗖𝗵𝗮𝗻𝗴𝗲
Ang International Childhood Cancer Day ay isang pandaigdigang paggunita upang palawakin ang kamalayan tungkol sa kanser sa mga bata, bigyang-lakas ang loob ng mga pasyente at kanilang pamilya, at itaguyod ang maagang konsultasyon at tamang gamutan.
Ang maagang diagnosis at wastong paggamot ay maaaring magpataas ng survival rate ng childhood cancer. Mahalaga rin ang ligtas na kapaligiran, pag-iwas sa mapanganib na bisyo tulad ng paninigarilyo at va**ng, at sapat na impormasyong pangkalusugan para sa mga magulang at tagapag-alaga.
Ang bawat bata ay may karapatang mangarap, gumaling, at mabuhay nang buong-buo.
Sa sama-samang pagkilos, ang hamon ay nagiging pag-asa at ang pag-asa ay nagiging pagbabago.