NPT - Surgery

NPT - Surgery Nona Nicole Padua Tupong | Diplomate, Philippine Board of Surgery | General and Laparoscopic Surgeon

01/12/2025

Lung Cancer Myth vs. Fact: Secondhand smoke is dangerous too!

01/12/2025

Alam mo ba na kung ikaw ay Employed, Individually Paying (Voluntary), Lifetime Member Program, Sponsored Program o Overseas Worker Program member, ikaw at ang iyong dependents ay maaaring maka-avail ng Philhealth Z Benefit Package?

Ang PhilHealth Z Benefit Package ay special program ng PhilHealth para sa mga high-cost, life-threatening diseases. Saklaw nito ang comprehensive treatment coverage para sa breast cancer, prostate cancer, at iba pang mga uri ng cancer upang mabawasan ang financial burden ng mga pasyente at kanilang pamilya.

Para sa kumpletong listahan ng health facilities, scan the QR code or click here: https://bit.ly/philhealthzbenefits

15/11/2025

‼️SUNDIN ANG R.I.C.E. METHOD PARA SA MABILIS NA PAUNANG LUNAS SA PILAY‼️

Madaling matapilok o madulas sa basang kalsada at sahig dulot ng malakas na ulan at baha.

Agad na gawin ang R.I.C.E. kapag napilayan para maiwasan ang pamamaga at matagalang pagsakit ng kasu-kasuan:

✅Rest
✅Ice
✅Compression
✅Elevate





15/11/2025
15/11/2025

🚨 ALAMIN ANG FIRST AID SA PAGKAKAKURYENTE 🚨

Mag-ingat sa panganib ng live wire o nababad na electrical source kapag umuulan.

Agad na tawagan ang National Emergency Hotline 911 at gawin ang mga hakbang sa larawan kung may nakitang nakuryente.






15/11/2025

𝐏𝐡𝐢𝐥𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲 𝐍𝐨. 𝟐𝟎𝟐𝟓-𝟎𝟎𝟔𝟏
Mandatory Signage Requirement for All YAKAP Providers (YAKAP Clinics, GAMOT and Cancer Screening Facilities)


05/09/2025

Napapansin mo bang nilalagnat ka, may sore throat, at nananakit ang leeg/goiter?

Maaaring senyales ito ng thyroiditis.

Huwag ipagsawalang-bahala, mas mabuting kumonsulta sa doktor.

For more thyroid-related info, READ HERE: https://drive.google.com/file/d/1Bo2XOoDYJ-pr9bOdp0JCb2qDJekoVvu6/view

Follow PCEDM for more health tips and updates


05/09/2025

EPILEPSY KAYANG MACONTROL

Ayon sa World Health Organization, tinatayang 50 milyong tao sa buong mundo ang may epilepsy. Sa tamang pagsusuri at gamutan, hanggang 70% ang maaaring mabuhay nang walang seizure.

✅ May lunas sa pamamagitan ng anti-epileptic na gamot
✅ Regular na monitoring at suporta mula sa pamilya at komunidad

💡 Mahalaga rin ang kaalaman sa first aid—kahit sino ay puwedeng makatulong sa oras ng seizure.

Maaaring magpunta sa ang mga Mental Health Access Sites o sa pinakamalapit
na health center para sa tulong:
👉 https://bit.ly/MAP-MHAccessSites
– Libreng konsultasyon
– Serbisyong medikal
– Referral sa espesyalista
– Suporta sa pamilya at tagapag-alaga




05/09/2025

Alam mo bang may iba't-ibang klase ng goiter?

Diffuse – pantay ang paglaki
Nodular – may isang bukol
Multinodular – maraming bukol

At depende rin sa symptoms:
Non-toxic – walang hyperthyroidism
Toxic – may kasamang hyperthyroidism

Kaya kung may goiter, magpakonsulta para malaman kung anong type ito.

For more thyroid-related info, READ HERE: https://drive.google.com/file/d/1Bo2XOoDYJ-pr9bOdp0JCb2qDJekoVvu6/view

Follow PCEDM for more health tips and updates.


05/09/2025

Tara! Magpa-screen na!

24/08/2025

‼️KASO NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE, PITONG BESES NA MAS MATAAS NGAYONG TAON KUMPARA NOONG 2024‼️

Sa tala ng DOH as of August 9, 2025, pumalo na sa 37,368 ang kaso ng Hand, Foot and Mouth disease o HFMD – mas mataas ito ng higit pitong beses kumpara sa 5,081 na kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Kalahati sa mga naitalang kaso ay mga batang edad isa hanggang tatlong taong gulang.

Ang HFMD ay isang nakakahawang sakit na pwedeng makuha kung humawak sa mata, ilong, o bibig gamit ang kamay na nahawakan ang bagay na kontaminado ng virus.

Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, singaw sa bibig, pananakit ng lalamunan, at mga butlig sa palad at talampakan.

Payo ng DOH, sakaling magkaroon ng mga sintomas ang isang bata ay panatilihin muna ito sa bahay nang pito hanggang sampung araw o hanggang sa panahong mawala ang lagnat at matuyo na ang mga sugat.

Mahalaga rin na ihiwalay ang mga kubyertos at iba pang personal na kagamitan ng taong maysakit na HFMD at linisin ang lugar kung saan sila nanatili gamit ang disinfectant.

Facebook Link: https://web.facebook.com/share/p/19Yi86WFNP/





Address

Echague
Echague
3309

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NPT - Surgery posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram