16/10/2025
Isang maalab na pagbati sa lahat ng mga bagong ganap na manggagamot ng bayan!
Ang inyong tagumpay ay hindi lamang bunga ng talino at sipag, kundi patunay din ng inyong puso para sa paglilingkod. Sa pag-abot ninyo sa titulong “Doctor,” nawa’y hindi lamang karangalan ang inyong isaalang-alang, kundi ang dakilang tungkulin na paglingkuran ang sambayanang Pilipino—lalo na ang mga nasa laylayan, mga nasa liblib, at mga walang kakayahang magpagamot.
Sa bawat gamutan, maramdaman nawa ng inyong mga pasyente ang malasakit, pag-unawa, at kababaang-loob. Sa bawat desisyon, piliin ninyo ang makatao bago ang maginhawa, at ang makabayan bago ang makasarili.
Muli, malugod na pagbati sa mga bagong doktor ng bayan!
Ang inyong panibagong yugto ay simula ng mas makabuluhang misyon — ang paghilom hindi lang ng katawan, kundi ng buong sambayanan.