23/11/2025
Case for the day‼️
Hindi po ako dentist!
Pero I have this 4 years old na bata, nagpacheck up sa clinic. According kay Mommy, namaga at masakit bigla ang buong bunganga-labi at kasama pati pisngi, may mataas na lagnat (39.3C) din. Walang sipon o ubo. May gana naman kumain.
Okay naman ang blood test.
Upon checking sa bunganga niya, nakitaan na marami siya dental caries. Nagkaroon ng inflammation o pamamaga sa upper gums dahil narin sa cavities niya.
Eto ang sinabi ko kay mommy, mga dahilan kaya ganito ang ngipin niya ay
1. Bottle feeding parin ang bata, pwede nakababad eto sa pagdede lalo sa gabi
2. Hindi nagsisipilyo
3. Lagi kumakain o umiinom ng matatamis gaya ng candies at chocolates
4. Hindi nagpapacheck up regularly sa Dentist
Ilan lamang eto sa mga dahilan kaya nasisira ang ngipin ng mga toddler.
Treatment Plan: Treat the infection at pamamaga with oral medication, once nag okay at natapos ang gamot, refer to dentist for further management.
_________________
🤔Dok, baby teeth lang naman yan kaya okay lang,mapapalitan naman
Parents! Kahit baby teeth pa yan. Need parin alagaan. Para kapag natanggal at mapalitan ng permanent teeth, maganda at maayos ang tubo ng ngipin.
Gusto niyo ba lagi umiiyak ang anak niyo dahil sa sakit ng ngipin niya?
Hindi makatulog ng maayos dahil sa sakit o sirang ngipin neto?
Gusto niyo ba hindi siya makapasok sa school dahil sa sakit ng ngipin niya?
Gusto niyo ba hindi siya makakain ng mabuti dahil sa sira at masakit ang ngipin niya?
Lagi umiinom ng pain reliever kapag masakit ang ngipin? Hindi maganda at okay yun sa bata.
Ako as a mom at doktor, ayaw ko ma experience yan ng anak ko! Kaya habang baby pa si baby once lumabas na ang mga ngipin neto need na ipacheck sa dentist at alagaan ang ngipin.
Always have a regular Dental check up!
Ang pagkakaroon ng bulok na ngipin ay pwede magcause ng infection (gaya ng Endocarditis) pwede kumalat sa ibang parte ng katawan.
📌Tandaan ang bulok na ngipin na ito may effect din sa pagtubo ng Permanent tooth ng bata. Kaya kung kailangan na alisin patangal na ninyo wag na hintayin kusang mahulog mag isa o mabunot mag isa.
Tips: Kung kailangan na talaga alisin o ipabunot gawin na huwag na po ninyo hintaying masira lahat ng ngipin o mamaga lagi. Isipin lagi ano makakabuti sa Health ng bata.
CONSULT SA DENTIST AT MAGTOOTHBRUSH REGULARLY 🦷🪥
*kung may katanungan kayo tungkol sa ngipin ng inyong anak, consult sa inyong dentist
Dr.Mitch V. Mendoza