29/04/2025
PABATID PARA SA LAHAT
Marami na pong ulat na natatanggap ang Gasan RHU ukol sa mga taong nagpapanggap na sila ay empleyado ng aming tanggapan. Ayon sa mga report, sila po ay umiikot sa mga barangay, bumibisita sa mga bahay-bahay, at NAGBEBENTA NG HERBAL MEDICINES gamit ang pangalan ng Gasan RHU at ng aming DOKTOR upang makahikayat at makapagbenta ng kanilang gamot, lalo na sa mga nakatatanda.
MAHIGPIT PO NAMIN PINAPAALALAHANAN ANG PUBLIKO NA HINDI KAILANMAN NAGBIBIGAY NG PAHINTULOT ANG GASAN RHU SA SINUMAN NA MAGBENTA NG ANUMANG PRODUKTO SA NGALAN NG AMING TANGGAPAN O DOKTOR.
Kung kayo po ay nakaranas o may impormasyon tungkol sa ganitong gawain, hinihikayat po namin kayong makipag-ugnayan agad sa aming opisina, sa inyong Barangay officials, BHW, Midwife at Nurse na naka assigned sa inyong Barangay upang ito ay maimbestigahan at maaksyunan ng naaayon sa batas.
MAGING MAPANURI AT MAPAG MATYAG. HUWAG MAGPALINLANG.
Lubos na gumagalang,
Gasan Rural Health Unit