11/09/2025
Mahalaga talaga na magtanong sa botika kung bibili ng gamot. Mantakin mo iniinom pala ito ni kuya pagkatapos kumain kaya daw pala halos di sya gumagaling sa kanyang "sikmura" o pangangasim.
Kanina,nagtanong sya kung meron pa daw ibang pwde na maisuggest ko sakanya. Kaya tinanong ko kung may reseta sya,meron. Kaya tinanong ko kung naiintindihan nya yung bilin sakanya ni Dok, hindi daw at nagmamadali sya noon. Tinanong ko kung tuwing kailan nya ito iniinom, sabi nya pagkakain sa almusal,agad nya itong iniinom. Naku po.Mali po. Dapat po -kalahating oras bago kumain. Or isa,hanggang dalawang oras,pagkatapos kumain.Ganun ang tama.
Kaya sa susunod,kahit na simpleng gamot lang yan kung di mo naiinom ng tama,dika talaga gagaling.