17/07/2025
Sa mga Kabataan at Kanilang mga Magulang ng Barangay Calumpang,
Inaanyayahan po namin kayo na makibahagi sa isang mahalagang gawain na naglalayong magbigay-kaalaman at paalala ukol sa kalusugan ng kabataan:
HIV/AIDS Awareness Campaign & Adolescent Sexual and Reproductive Health Seminar
๐
Ika-19 ng Hulyo 2025 (Sabado)
๐ฃ 8:30 AM โ 11:00 AM
๐ Calumpang Rural Health Unit
โธป
๐ฏ Layunin ng Aktibidad:
โข Magbigay ng sapat na kaalaman tungkol sa HIV at AIDS โ kung paano ito naiiwasan, paano ito nakukuha, at ano ang mga maling paniniwala ukol dito.
โข Itaguyod ang responsableng pag-uugali at tamang desisyon sa usaping sekswalidad ng kabataan.
โข Palalimin ang ugnayan ng magulang at anak sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon tungkol sa kalusugan at pag-unlad ng kabataan.
โข Hikayatin ang partisipasyon ng komunidad sa pagtataguyod ng ligtas, malusog, at maalam na henerasyon.
โธป
Ang kaalaman ay proteksyon. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas ligtas at malusog na kinabukasan para sa ating mga kabataan.
Tara na! Makiisa, makialam, at matuto!
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Calumpang RHU staff. At sa mga kumpirmadong lalahok sa programa pakilista ang mga complete names at isend po sa email: margacorporal@gmail.com
Thank you. ๐ค
โธป