03/02/2026
Noong 2024, ang St. Elizabeth Hospital, sa pakikipagtulungan ng Operation Walk Los Angeles, ay buong puso na binago ang buhay ng 37 pasyente, binigyan sila ng pagkakataong muling makalakad, gumalaw, at mabuhay nang walang sakit sa pamamagitan ng libreng operasyon sa hip at knee replacement.
Ngayong Hulyo 9–16, 2026, muli naming dadalhin ang makabuluhang misyon na ito sa ating komunidad at magbubukas ng aplikasyon para sa LIBRENG Hip at Knee Replacement procedures para sa mga kwalipikadong pasyente.
Para magparehistro, tawagan ang aming InfoHub sa 0962-316-0213, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.