29/09/2022
Mga kapamilya, kapuso, kapatid at kapitbahay, halina't makiisa!
Ang pamahalang lungsod ng General Trias sa pakikipagtulungan sa Cavite Blood Council ay muling magsasagawa ng Dugong Taglay, Pandugtong Buhay: A Blood Donation Activity sa darating na Setyembre 30, mula alas- 8 ng umaga hanggang ala 1 ng hapon na magaganap sa General Trias Cultural and Convention Center, Barangay Sampalucan, General Trias City, Cavite.
Sa lahat ng nais magdonate, maaaring magregister sa pamamagitan ng mga susunod na paraan:
1. Magtungo sa inyong Barangay Hall at makipag-ugnayan sa inyong Barangay Secretary;
2. I-scan ang QR Code na nasa poster; o kaya naman ay
3. I-click ang link na ito:
https://tinyurl.com/GenTriBloodDonationSept2022
https://tinyurl.com/GenTriBloodDonationSept2022
https://tinyurl.com/GenTriBloodDonationSept2022
Halina't muli tayong magsama-sama sapagkat ang dugo nating taglay, makapagdudugtong ng buhay.
Let's Join Forces for a healthier General Trias. Kita-kits, Gentriseños!