Brgy. Javalera Health Center

Brgy. Javalera Health Center PROVIDE HEALTH SERVICES LIKE:

Vaccination
Prenatal consultation
Family planning
Minor consultation

26/11/2025
12/11/2025

PABATID

Mayroon po tayong bakuna sa mga baby bukas,Nov.13
Salamat po.

10/11/2025
10/11/2025

๐Ÿšจ FIRST AID SA HYPOTHERMIA SAKALING MATAGAL NA MABABAD SA ULAN AT HANGIN๐Ÿšจ

Kapag nakapansin ng senyales ng hypothermia o labis na panlalamig dahil sa pagkakababad sa ulan at malakas na hangin, agad na humingi ng tulong o tumawag sa National Emergency Hotline 911.

Habang naghihintay ng rescue, maaaring gawin ang mga sumusunod para maiwasan ang komplikasyon ng hypothermia.





09/11/2025

๐Œ๐š๐ -๐ข๐ง๐ ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ข๐› ๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š! โš ๏ธ

Delikado ang tubig baha dahil posible itong makapasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat, mata, ilong, at bibig na maaaring magdulot ng sakit na Leptospirosis.

Kaya may sugat man o wala, agad na maghugas gamit ang sabon at malinis na tubig kung di naiwasang lumusong sa baha.

Agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health facility para sa tamang gabay at reseta ng gamot. Huwag mag self-medicate!

Maging alerto at ligtas dahil Bawat Buhay Mahalaga.

09/11/2025

๐‹๐ฎ๐ฆ๐ข๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ โš ๏ธ

Sundin ang mga paalala upang mapanatili ang kalusugan at maka-iwas sa sakit habang nasa evacuation center.

Maging alerto at patuloy na mag-ingat dahil Bawat Buhay Mahalaga.



09/11/2025

๐Ÿšจ DOH: โ€˜WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA๐Ÿšจ

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







09/11/2025

๐Ÿšจ LABANAN ANG MGA SAKIT NGAYONG TAG-ULAN ๐Ÿšจ

Kasabay ng posibleng epekto ng Typhoon sa mga kabahayan at ari-arian, tumataas din ang panganib ng ibaโ€™t ibang sakit tulad ng W.I.L.D. diseases โ€”
๐Ÿ’งWaterborne and Foodborne Diseases
๐Ÿค’Influenza-like Illnesses
๐Ÿ€ Leptospirosis
๐ŸฆŸ Dengue
Protektahan ang pamilya laban sa W.I.L.Dโ—๏ธ



08/11/2025

โ€ผ๏ธ DOH NATIONAL PUBLIC HEALTH EMERGENCY OPERATIONS CENTER, ACTIVATED NA โ€ผ๏ธ

Activated na ang National Public Health Emergency Operations Center o PHEOC ng Department of Health (DOH) na nakaayon sa Incident Command System at Emergency Operations Center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ilalim nito, ang DOH Central Office ang magsisilbing pangunahing Emergency Operations Center para tiyaking iisa ang linya ng koordinasyon sa oras ng health-related emergencies alinsunod sa mandato ng NDRRMC.

Sa tulong din ng PHEOC, mas paiigtingin ang mekanismo para sa pagresponde mula national hanggang local government units.

Binubuo ng limang sections ang DOH National PHEOC sa pangunguna ni Secretary Ted Herbosa bilang Responsible Officer at Assistant Secretary Gloria Balboa bilang Incident Manager para sa pangkalahatang operasyon.

Tukoy na rin ang gampanin ng limang section sa ilalim ng National PHEOC gaya ng:
โœ… Pagpapalabas ng impormasyong dapat malaman ng publiko
โœ… Pagtitiyak ng kapakanan ng mga PHEOC staff
โœ… Koordinasyon sa mga national government agencies, rehiyon, ospital, lokal na pamahalaan at international states
โœ… Pagsiguro ng sapat na logistics at kinakailangang budget para rito.

Sinisiguro naman ng DOH na mas paiigtingin nito ang response sa mga health-related emergencies tulad ng bagyo, lalo pa ngayong activated na ang National PHEOC.

Balikan ang PinaSigla Episode 15 dito:

๐Ÿ“Œ https://web.facebook.com/share/v/17kDWkiJM8/

๐Ÿ“Œ https://youtu.be/OAiO8nod4ks?si=vOW4xYqkwC9VaI3l





08/11/2025

Address

Tulip Street Phase 1-A Javalera
General Trias
4107

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Javalera Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Brgy. Javalera Health Center:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram