11/07/2025
Dear
Sana mapansin niyo naman po kaming mga special needs parents na nagbabayad ng contribution.
Sana pati yung private therapy centers ay ma-encourage niyo na i-accept ang Philhealth benefit para sa mga anak namin kahit half lang ng price.
Kasi ang bigat na po talaga eh.
Yes, meron ng free therapy pero sa mga big public hospital lang eh.
Pano po kami mga nasa private therapy centers?
Pano po kaming malalayo sa mga public hospitals?
Pano yung mga nasa waiting list pa lang?
Huhuhu.
Meron naman kaming pambayad?
Pero karamihan sa amin ay ginagapang ang pangtherapy kaya sana maramdaman din namin na nagagamit namin ang aming mga benefits.
Sana maranasan ng aming mga special needs na anak ang benefits ng aming dugo, pawis, puyat at pagod. 😭🙏🏻
Please naman po. 😭🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Saka sana wag yung pahirapan yung requirements.
Maawa po kayo. 😭😭😭
Dyan po sa picture na yan ay nagmemeltd0wn na si Ry kasi ang tagal umusod ng pila at nakatingen na sa amin ang lahat ng tao sa grocery. 😭
Makabayad lang sa Philhealth ay kinakaya ang public meltd0wn. Kaya please. 😭
Mula sa puso,
Nagmamakaawang special needs mama