31/12/2025
Ang 2025 ay naging puno ng pagsubok.
Magkahalo ang saya at lungkot; pagpapasalamat at galit; ngunit sa lahat ng ito nananatili po tayong tapat sa tawag ng Panginoon sa ating buhay.
Sa lahat ng aking mga naging pasyente at sa kanilang mga pamilya sa taong 2025, maraming salamat po sa inyong pagtitiwala sa akin bilang inyong duktor. Ang panalangin ko ay mapuno nawa ang inyong darating na 2026 ng pag-ibig, kalusugan at lubos na pagkalinga ng Panginoon, na sa kabila ng lahat ng ating kakaharapin ay hindi tayo mawawalan ng pag-asa at pananampalataya.