05/12/2025
‼️DOH: Maging mapanuri sa mga gamot at bakuna na binebenta online o ng hindi awtorisadong pasilidad‼️
Dahil sa pagdami ng mga binebentang pekeng gamot at iba pang produktong medikal sa merkado, nagpaalala ang DOH na maging mapanuri at huwag bilhin kung:
❌May mali sa label o spelling at kakaiba ang itsura ng packaging
❌Kulang ang FDA batch/ lot number, manufacturing at expiration date
❌Kakaiba ang itsura ng gamot tulad ng hugis, amoy, o lasa
❌Walang bisa
❌Walang lisensya ang seller o ang pasilidad para magbenta
I-report agad sa FDA kung may mapansing kahina-hinalang gamot o bakuna: ereport@fda.gov.ph o (02) 8809-5596.