28/11/2025
Matagumpay na Alagang Agay Serbisyo Caravan - Purok Kalusugan! π’
Isang malaking tagumpay po ang ating Alagang Agay Serbisyo Caravan: Purok Kalusugan na isinagawa NGAYON, November 28, 2025, sa Barangay Malis!
Ang Municipal Health Office (MHO) ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng residente ng Malis na nakibahagi sa serbisyong pangkalusugan, alinsunod sa temang "KAAGAPAY NG DISTRITO SINGKO SA KALUSUGAN."
Maraming Salamat, Kaagapay sa Kalusugan!
Ang matagumpay na pagpapatupad ng karaban na ito ay dahil sa puspusang suporta at inisyatibo ng ating mahal na Congresswoman Atty. Agatha Paula A. Cruz. Ang inyong dedikasyon sa paghahatid ng serbisyo, lalo na sa kalusugan, ay tunay na kahanga-hanga!
Tunay ring kahanga-hanga ang pagiging epektibong katuwang na Punong Barangay Albert Estrella, at ang buong Sangguniang Barangay ng Malis, sa pagtiyak na naging maayos at organisado ang daloy ng serbisyo.
At siyempre, isang mainit na pasasalamat sa lahat ng kawani ng DOH, MHO, mga doktor, nars, dentista, midwife, sanidad at staff na walang sawang nagbigay ng serbisyo sa ating mga kababayan.
Patuloy po tayong maglilingkod at makikipagtulungan para sa isang mas malusog na Guiguinto!