LMJ GEN MDSE Pharmacy

LMJ GEN MDSE Pharmacy we protect we care

01/02/2023

Ang laging pagpupuyat at kulang sa tulog ay nagdudulot ng problema sa glucose metabolism at blood pressure. Mas at risk sa diabetes at high blood.

Ctto

Fyi poh
27/01/2023

Fyi poh

16/01/2023

Wag pong tirisin ang tigyawat o pimple sa mukha. Lalo kapag marumi ang kamay. Pwedeng magdulot ng impeksyon sa balat at utak.

Ctto

Di pwede matagal tapos araw-araw iniinom ang pain relievers (ibuprofen, naproxen,mefenamic acid). Pwede magdulot ng ulce...
14/01/2023

Di pwede matagal tapos araw-araw iniinom ang pain relievers (ibuprofen, naproxen,mefenamic acid). Pwede magdulot ng ulcer sa tiyan/bituka at kidney damage

Ctto.

13/01/2023

Maari Kang Mamatay mula sa Anaphylaxis o Matinding Allergy
Payo ni Doktor Doktor Lads / Dr. Ourlad Tantengco

Kumain lang ng mani o itlog tapos biglang nagpantal, lumobo ang labi at mata tapos di makahinga? Baka hindi na lang simpleng allergy yan at baka anaphylaxis na yan.

Ang anaphylaxis ay isang malubhang allergic reaction na kailangan ng agarang gamutan. Kapag ikaw ay may anaphylactic reaction, kailangan mo ng epinephrine shot sa lalong madaling panahon. Kailangan na dalhin agad sa hospital kung hindi ay magdudulot ito ng pagkamatay. Ang epinephrine ang mag-aalis ng sintomas sa loob lamang ng ilang minuto. Kapag hindi ito agad gumana maaaring maglagay muli ng pangalawang epinephrine shot. Kailangan ng precription ng doktor para sa epinephrine.

Hindi dapat uminom ng antihistamine lang pag nagkaroon ng anaphylaxis.Hindi madalas ang anaphylaxis ngunit dapat lamang na sabihin mo sa iyong doktor kung mayroon kang allergy sa gamot bago ka uminom ng gamot. Mainam din na lagi kang may dalang card na may impormasyon ukol sa mga bagay o pagkain na may allergy ka.

Ang unang senyales ng anaphylaxis ay skin rash o pantal sa balat at sipon. Ngunit sa loob lamang ng 30 minuto ay lalabas na ang mga mas malalang sintomas tulad ng pag-ubo, pangangati, paninikip ng dibdib, pagkahilo, pagkahimatay, pagkalito, panghihina, namumulang mga balat, mabilis na tibok ng puso, pagsusuka, diarrhea at pamumutla. Kapag hindi naagapan ay maaaring magni sanhi ng pagkamatay. Ito ay dahil ang anaphylaxis ay nagdudulot ng pagsikip ng daanan ng hangin sa ating baga kaya maaring magdulot ito ng suffocation o asphyxia na maaaring mauwi sa pagkamatay.

Nangyayari ang anaphylaxis kapag mayroon kang antibody (isang bagay na lumalaban sa mga infection) sa mga bagay tulad ng pagkain o gamot. Nag- ooverreact ang iyong katawan sa oras na maka-encounter ito ng trigger tulad ng pagkain o gamot kung saan ka allergic. Sa mga bata, ang pinakamadalas na sanhi ay pagkain tulad ng mani, lamang-dagat, isda, gatas, itlog at soy at sa matanda ay gamot tulad ng penicillin, aspirin, ibuprofen.

Bawat tao ay may iba't ibang reaksyon sa iba't ibang pagkain at gamot. Mahalaga na malaman mo kung anong mga bagay o pagkain ang nagdudulot sa iyong ng allergic reaction lalo na ang anaphylaxis. Kung alam mo na ang mga bagay na may allergy ka, mainam na iwasan ito upang maiwasan din ang posibilidad ng anaphylaxis. Ang doktor na espesyalista sa ganitong mga sakit ay tinatawag na allergologist and immunologist.

Ctto

13/01/2023

Sa may gout, itigil na po ang alak. Maraming purines ang alak na nagiging uric acid. Tumataas ang risk na atakihin ng gout kapag laging umiinom ng alak.

12/01/2023

Kalma lang po sa pagkain ng instant noodles. Sobrang taas ng sodium at asin. Pwedeng lumala ang hypertension at sakit sa bato.

12/01/2023

Kapag sobra ang iniinom na kape, pwede makaranas ng anxiety, palpitations, laging naiihi at nadudumi, at hirap makatulog. Hinay-hinay lang sa kape

22/12/2022

Ctto video

Address

Hagonoy
3002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LMJ GEN MDSE Pharmacy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to LMJ GEN MDSE Pharmacy:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram