12/10/2025
โ ๏ธ SAFETY TIPS | LINDOL โ ๏ธ
Ang lindol ay mahina hanggang malakas na pagyanig dahil sa biglaang paggalaw ng bato sa ilalim ng lupa.
Ibanian, maging handa! Narito ang mga paalala bago, habang, at pagkatapos ng lindol upang masig**o ang kaligtasan ng bawat isa.
๐ฅ BAGO
๐ธ Alamin kung ang lugar ay malapit o dinadaanan ng active fault. Siyasatin kung ang lugar ay may malambot na lupa, may matarik na dalisdis, o nasa tabing-dagat o lawa.
๐ธ Tiyaking matibay at umaayon sa National Building Code ng Pilipinas ang ipatatayong bahay, gusali at imprastruktura upang maiwasan ang pagbagsak dulot ng ground shaking.
๐ธ Ipasuri ang tibay ng bahay o gusali at iba pang imprastruktura.
๐ธ Siguraduhing ligtas ang pagkakalagay ng mga mabibigat at nakabitin na bagay.
๐ธ Ayusin ang pag-iimbak ng mga nakalalasong kemikal at bagay na maaaring maging sanhi ng sunog.
๐ธ Matutong gumamit ng fire extinguisher, medical kit, at emergency alarm.
๐ธ Alamin ang pinakamalapit na emergency exit, pati na ang ligtas at mabilis na daan papunta rito.
๐ธ Ihanda ang GO BAG na naglalaman ng mga pangangailangan ng pamilya.
๐ธ Makilahok sa mga pagsasanay ukol sa lindol.
๐ฆ HABANG
๐ Kung nasa loob ng matibay na bahay o gusali, gawin ang โDUCK, COVER, AND HOLDโ โ yumuko at magtago sa ilalim ng matibay na mesa at humawak sa paa nito. Manatiling alerto sa mga banta ng panganib sa paligid at magmasid.
โ ๏ธ Umiwas sa mga bintanang salamin, mga aparador, mabibigat na gamit na maaaring mahulog o matumba.
๐ช Agad na lisanin ang bahay o gusali pagkatapos ng pagyanig. Pumunta sa evacuation area.
๐ณ Kung nasa labas, pumunta sa open area. Lumayo sa mga puno, gusali, poste at iba pang istruktura na maaaring bumagsak o tumumba, at mga lugar na may panganib ng pagguho ng lupa.
๐ Kung nagmaneho, itabi at ihinto ang sasakyan. Huwag magtangkang tumawid ng tulay o overpass dahil maaaring napinsala ito ng lindol.
๐ Kung nasa tabi ng dagat o lawa, lumikas nang mabilis papunta sa mataas na lugar, palayo sa tabing-dagat o lawa.
๐จ PAGKATAPOS
๐ก Maging alerto sa aftershocks.
๐ถ Unahin na ilikas ang mga may kapansanan, buntis, bata, at matatanda.
๐ฉน Suriin ang sarili at kasamahan kung may sugat o nasaktan at agad na bigyan ng paunang lunas kung kailangan.
โ ๏ธ Suriin kung may natapong nakalalasong kemikal at mga bagay na maaaring pagmulan ng sunog.
๐ง Suriin ang mga linya ng tubig at kuryente kung may pinsala. Suriin din ang tangke ng gas o LPG.
๐ซ Huwag pumasok o bumalik sa loob ng gusaling may nasirang bahagi. Maaaring ito ay bumagsak kapag nagkaroon ng aftershock.
๐ข Kung kailangang lisanin ang bahay o gusali, mag-iwan ng mensahe kung kailan umalis at kung saan ang lugar na pupuntahan.
Maging handa, manatiling kalmado, at magtulungan sa panahon ng sakuna.
Ang kaligtasan ay responsibilidad nating lahat.
๐ธ Source: Office of Civil Defense
๐ Infographic by Philippine Information Agency ()
https://www.facebook.com/share/r/1aVarfGJjN/