20/04/2026
Ang Philippine Red Cross Zambales Chapter ay malugod na bumabati sa ating Chapter Board of Directors, Mr. William Roderick R. Fallorin, CESO VI, sa iyong opisyal na pagkakatalaga bilang Schools Division Superintendent ng SDO-Zambales.
Kalakip ng iyong tungkulin ay ang aming buong tiwala sa iyong kakayahang pamunuan at bigyang-solusyon ang mga hamong kinahaharap ng sektor ng edukasyon sa ating lalawigan. Kami ay katuwang mo sa pagyakap sa responsibilidad na ito.
Asahan mo ang patuloy na suporta ng Red Cross Zambales sa iyong mga adhikain at misyon para sa ikabubuti ng mga mag-aaral na Zambaleño. Kami ay laging handang tumugon para sa isang ligtas at matatag na kinabukasan ng ating kabataan.