14/06/2022
Ingat po tayo sa Dengue! 🙏🙏🙏
CAGAYAN, NAKAPAGTALA NG 1,210 NA KASO NG DENGUE AYON SA PESU
Nakapagtala ng 1,210 na kaso ng dengue ang Cagayan mula January 1 hanggang June 10, 2022. Ito ay ayon sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit o PESU-Cagayan.
Sa nasabing tala ng PESU, pinakamarami ang natamaan ng sakit dito ay nagmula sa lungsod ng Tuguegarao na umaabot sa 200 na kaso. Kabilang sa Top 10 na may matataas na kaso ng dengue ay ang Lasam-103, Gattaran-95, Piat-77, Solana-74, Baggao-69, Tuao-66, Aparri-64, Alcala-61, at Peñablanca-40.
Nakapagtala rin ang Gonzaga ng 39 cases, Pamplona-28, Rizal-28, Sta. Ana-27, Camalaniugan-26, Lal-lo-26, Ballesteros-25, Amulung-24, Sta. Teresita-23, Sanchez Mira-21, Enrile-13, Iguig-13 at Allacapan-10.
Habang mababa ang bilang ng mga tinamaan ng nasabing sakit sa Buguey na mayroong siyam (9) na kaso, Sto. Niño-9, Claveria-6 at Sta. Praxedes-3. Tanging ang nag-iisang isla ng Calayan sa Cagayan ang walang tinamaan ng dengue.
Kaugnay nito, mula mula noong buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyang buwan ay nagkaroon na ng limang (5) nasawi dahil sa dengue. Ito ay nagmula sa Baggao, Gattaran, Iguig, Lasam at Solana.
Bukod dito, sa taong 2021 ng January hanggang June ay 15 cases ang naitala at zero death ngunit sa taong 2022 sa kaparehong period ay 1,210 at limang (5) ang nasawi sa dengue.
(SUSAN L. MAPA)