01/12/2025
MABUHAY CITY OF ILAGAN MEDICAL CENTER π₯πΏπ
Isang makasaysayang pagkilala na naman ang tinanggap ng City of Ilagan Medical Center (CIMC) matapos igawad ng Department of Health ang 4-Star Rating β Green and Safe Health Facility sa ginanap na awarding ceremony sa Swiss-Belhotel Blulane, Manila. πΏβ¨
Ang prestihiyosong Plaque of Recognition ay patunay ng walang humpay na pagsusumikap ng CIMC sa pagpapatupad ng environment-friendly innovations, sustainable practices, at pinakamataas na pamantayan ng kaligtasan sa serbisyong medikal para sa bawat IlagueΓ±o. π
Pinangunahan ni City Mayor Dr. Josemarie L. Diaz, ang Arkitekto ng Institusyon at pangunahing tagapag-angat ng modernong imprastraktura at serbisyong pangkalusugan ng lungsod, ang pagtanggap ng karangalang ito, kasama sina Dr. Herbee Barrios (Chief of Hospital), Mr. Richard Cabrera (Hospital Administrator), at Mr. Ricky Laggui (City GSO). π
Hindi lamang ito simpleng parangalβpatunay rin ito sa patuloy na pagsunod at pagtataguyod ng CIMC sa ISO 14001:2015 Environmental Management System, na siyang naglalayong palakasin ang proteksyon sa kalikasan, responsableng paggamit ng resources, at sustainability sa operasyon ng ospital. πβ»οΈ Ang tagumpay na ito ay nakaugnay sa survivability pillar ng Liveable City, na lalo pang nagpapatibay sa reputasyon ng Ilagan bilang isang lungsod na may malasakit sa kalikasan at mamamayan.
Dagdag pa rito, tinanggap din ni Mayor Josemarie Diaz ang isang (1) unit ng brand-new Ambulance, na magsisilbing mahalagang karagdagan para sa mas mabilis at epektibong emergency response ng lungsod. ππ¨
Lubos ang pasasalamat ng CIMC sa liderato, dedikasyon, at makabagong pananaw ni Mayor Josemarie L. Diaz, na patuloy na nagbibigay inspirasyon upang makamit ang mga karangalang nagpapatunay na ang City of Ilagan ay tunay na nangunguna sa green, safe, and sustainable healthcare service. π
Mabuhay, CIMC! Mabuhay, IlagueΓ±o!