06/09/2016
Don't say we didn't warn you.
September 21, 2016 UPDATE:
6 Bagong Kaso ng Zika ngayong Linggo lang. Sa Laguna, Cebu, Iloilo.
ZIKA Virus KAKALAT na sa PILIPINAS:
Huwag muna Mag-buntis sa 2016 (para ligtas)
Ni Doc Willie Ong (Paki-share at tag a friend)
Ang tagal ko nang sinasabi na DAAN-DAAN na ang may ZIKA sa PILIPINAS. (February 2016 ko pa PINAWAGAN ito sa Phil Daily Inquirer.)
Ayaw kasi i-TEST ng nakaraang administrasyon?
Proposal:
1. Bilangin na ang may MICROCEPHALY na bata (maliit na ulo). Alamin kung dahil ito sa ZIKA virus. At tulungan na sila.
Kaibigan, KUNG hindi natin AALAMIN itong Zika Virus, BAKA maapektuhan ang libu-libong sanggol sa Pilipinas. Maraming pamilya ang maghihirap lalo.
Ang Zika virus ay nangagaling sa Aedes aegypti na lamok, na siyang nagdadala din ng dengue virus. Natuklasan din na kumakalat ang Zika virus sa S*x.
Hawig ang sintomas ng Zika virus sa dengue. Pagkatapos makagat ang pasyente ng lamok na may Zika virus, magkakaroon siya ng lagnat, pananakit ng ulo, at pantal (rashes) sa katawan. Minsan, namumula din ang mata at sumasakit ang kasu-kasuan (joints).
Peligro sa Buntis at Nabubuong Sanggol:
Ngunit ang kakaiba sa Zika virus ay puwede maapektuhan nito ang sanggol sa sinapupunan. Nagiging abnormal ang sanggol kapag pinanganak, tulad ng pagliit ng ulo (microcephaly) at posibleng pagkamatay.
Sa ngayon ay wala pang bakuna o gamot laban sa Zika virus. Kaya kailangan nating malaman ang paraan ng pag-iwas nito.
1. Sa mga buntis, mag-ingat na hindi makagat ng lamok.
2. Sa Brazil, pinapayuhan ang mga babae na huwag muna magbuntis ng 2 taon hanggang ma-kontrol itong ZIKA.
3. Magsuot ng mahabang pantalon at baro. Piliin ang makapal na baro na hindi aabot ang kagat ng lamok.
4. Maglagay ng lotion laban sa lamok (tulad ng Off Lotion).
5. Matulog sa kuwartong may screen. Isara ang bintana at pintuan.
6. Gumamit ng kulambo.
7. Kadalasan ay sa umaga at dapit-hapon nangangagat ang Aedes aegypti na lamok.
Please SHARE.