15/02/2026
May nakita akong FB group tungkol sa health na maraming nagpapakonsulta, tapos kung sino-sino lang ang nagbibigay ng payo kahit hindi naman medically trained. Natakot ako sa mga advice nila dahil puwedeng makasama at magpalala ng sakit.
PAALALA!!!
❗Hindi pare-pareho ang katawan at sakit ng bawat isa.
❗Ang gamot na gumana sa iba ay maaaring makasama sa’yo.
❗Ang maling gamot at dosage ay pwedeng magdulot ng komplikasyon.
❗Ang pag-self medicate ay maaaring magpalala ng sakit.
Huwag basta maniwala at gumaya.
Kumonsulta muna sa lisensyadong doktor.
Ang kalusugan ay hindi dapat isugal sa payo ng social media.