BHS-Bangad ,Santa Maria,Isabela

BHS-Bangad ,Santa Maria,Isabela Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BHS-Bangad ,Santa Maria,Isabela, Medical and health, Purok 6, Bangad, Santa Maria, Isabela.

Operation Timbang 2024 done to identify members of the susceptible population who are malnourished. Its purpose is early...
11/01/2024

Operation Timbang 2024

done to identify members of the susceptible population who are malnourished. Its purpose is early diagnosis and, subsequently, prompt treatment.

CONTACT INVESTIGATION!September 14,2023Paano nakakahawa ang TB?Ang TB ay naipapasa kung ang isang tao ay makalanghap ng ...
18/09/2023

CONTACT INVESTIGATION!
September 14,2023

Paano nakakahawa ang TB?

Ang TB ay naipapasa kung ang isang tao ay makalanghap ng mikrobyo ng TB na nasa hangin galing sa ubo o bahing ng taong may TB.

Tandaan na ang TB ay:
❗HINDI namamana.
❗HINDI nakukuha sa pagpapagod, pagpupuyat, o pagkatuyo ng pawis sa likod.
❗HINDI naipapasa sa paggamit ng kubyertos o baso ng taong may TB.
❗HINDI nakukuha sa kagat ng lamok.
❗HINDI naipapasa sa paggamit ng damit o kumot ng taong may TB

Paano ginagamot ang TB?

Ang TB-DOTS o Tutok Gamutan ang pinakamabisang paraan para magamot ang TB. Kailangan lamang ng di bababa sa 6 buwang tuloy-tuloy na gamutan. Iinumin ang mga gamot para sa TB araw-araw sa gabay ng health service provider. Importanteng hindi mahinto ang gamutan upang hindi umabot sa pagiging drug resistant ang TB (DR-TB), dahil magiging mas matagal ang gamutan (hanggang 24 na buwan) o maging dahilan ng iyong pagkamatay.

Ano ang mga side effects ng gamutan?

Posible na ikaw ay makaranas ng mga side effects gaya ng pangangati ng balat, kawalan ng gana kumain, pamamanhid ng paa, at iba pa. Ito ay panandalian lamang at di kailangan ikabahala. Importanteng ipaalam sa iyong health service provider ang iyong mga nararamdaman upang malunasan ito kaagad.

Ano ang mangyayari pag hindi mo tinapos ang gamutan?

Kapag hindi nakumpleto nang tama ang pagpapagamot, maaaring maging Multi-Drug Resistant (MDR) na ang TB mo. Kapag umabot na sa MDR-TB, hindi na magiging mabisa ang mga gamot na kasalukuyan mong iniinom.

Ang MDR ay isang malalang uri ng TB dahil:

Mas mahirap gamutin. Mas mahal at mas marami ang kailangang gamot.
Mas matagal ang gamutan, umaabot ng 18-24 na buwan.

Mas madalas na mararanasan ang mga side effects ng mga gamot para sa MDR-TB gaya ng pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng tiyan, lagnat, kawalan ng gana, at iba pa. Kaya importante na makumpleto mo nang tama ang iyong kasalukuyang gamutan.

Patient-centered Care

Ang inyong health service provider (HSP) ay nakahandang magbigay sa iyo ng alagang makatao, kaya mahalagang maipahiwatig sa kanya ang mga posibleng maging problema o hadlang sa iyong gamutan. Matutulungan kayo ng inyong health service provider na tugunan ang posibleng mga hadlang sa iyong gamutan.

Mga Responsibilidad mo Bilang Pasyente:

-Ipaalam ang mga nauukol na impormasyon sa iyong health service provider, gaya ng mga nakaraang at kasalukuyang karamdaman.
-Sundan ang schedule ng pag-inom ng gamot araw-araw para masiguro ang paggaling.
-Tumulong sa pag-iwas sa pagkalat ng TB sa komunidad sa pamamagitan ng paghikayat sa mga kakilalang nagpapakita ng sintomas ng TB na kumonsulta agad sa Center.
-Makiisa sa mga kapwa pasyente sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang pagpapagaling at pagbahagi ng tamang kaalaman na natutunan habang nagpapagamot.



Vitamin A for 6-59 months children.Sa lahat ng gamit ng BITAMINA A sa katawan, pinakasikat na yata ang pampalinaw ng mat...
18/09/2023

Vitamin A for 6-59 months children.

Sa lahat ng gamit ng BITAMINA A sa katawan, pinakasikat na yata ang pampalinaw ng mata. Ngunit alam nyo ba na kailangan din ang bitaminang ito para labanan ang iba't ibang impeksiyon at para sa maayos na paglaki ng mga bata?

Ang bitamina A ay kailangan upang mapanatili ang normal na dami ng cells at matiyak na sapat ang mucous na nagpapanatiling basa at malagkit ang mga ilang bahagi ng katawan. Katulad nito ay ang gilid sa loob ng ating baga, lalamunan at bituka, pinagdadaanan ng ihi at ang ating mga nervous at reproductive systems. Ang mucous na galing sa mga cells ay may mga sangkap na nakapupuksa ng mga mikrobyo, kaya lumalakas ang resistensya at nalalabanan ang impeksiyon ng katawan. Kapag may kakulangan sa bitamina A, madaling dapuan ng sakit katulad ng sakit sa baga (respiratory infection) at pagtatae. Maaari ding lumala ang tigdas lalo na sa mga bata kung kulang sa bitamina A.

Bukod dito, ang bitamina A ay kailangan din para sa maayos na paglaki. Tumutulong ito sa paglaki ng mga buto o bone growth. Ang bitamina A ang nagpapanatili sa pagiging flexible ng mga buto para madali at normal ang paglaki nito.

BITAMINA A isipin ninyo na ito'y para mapanatiling malinaw ang mata at lumakas rin ang inyong resistensiya.



𝔹𝕦𝕟𝕥𝕚𝕤 ℂ𝕠𝕟𝕘𝕣𝕖𝕤𝕤 𝟚𝟘𝟚𝟛𝔸𝕦𝕘𝕦𝕤𝕥 𝟚𝟜,𝟚𝟘𝟚𝟛𝔹𝕒𝕟𝕥𝕒𝕪 𝔹𝕦𝕟𝕥𝕚𝕤 𝕤𝕒 𝔹𝕒𝕣𝕒𝕟𝕘𝕒𝕪The Local Government Unit of Santa Maria,Isabela, through its...
24/08/2023

𝔹𝕦𝕟𝕥𝕚𝕤 ℂ𝕠𝕟𝕘𝕣𝕖𝕤𝕤 𝟚𝟘𝟚𝟛
𝔸𝕦𝕘𝕦𝕤𝕥 𝟚𝟜,𝟚𝟘𝟚𝟛

𝔹𝕒𝕟𝕥𝕒𝕪 𝔹𝕦𝕟𝕥𝕚𝕤 𝕤𝕒 𝔹𝕒𝕣𝕒𝕟𝕘𝕒𝕪

The Local Government Unit of Santa Maria,Isabela, through its Rural Health Unit ( RHU), headed by Municipal Health officer,Dr. Bryan Julius T. Panganiban, in coordination with the Integrated Provincial Health Office of Isabela, held the first ever Buntis Congress 2023 in Barangay Bangad as the pilot area.

ℌ𝔢𝔞𝔩𝔱𝔥𝔶 𝔴𝔬𝔪𝔢𝔫 𝔞𝔯𝔢 𝔱𝔥𝔢 𝔣𝔬𝔲𝔫𝔡𝔞𝔱𝔦𝔬𝔫 𝔬𝔣 𝔞 𝔰𝔱𝔯𝔬𝔫𝔤 𝔠𝔬𝔪𝔪𝔲𝔫𝔦𝔱𝔶 𝔴𝔥𝔦𝔩𝔢 𝔥𝔢𝔞𝔩𝔱𝔥𝔶 𝔫𝔢𝔴𝔟𝔬𝔯𝔫𝔰 𝔞𝔯𝔢 𝔱𝔥𝔢 𝔣𝔲𝔱𝔲𝔯𝔢.
Each year, however, women are still suffering from preventable complications of pregnancy such as pre-eclampsia, eclampsia, gestational diabetes and the likes.

Though intensified health education is being implemented, there are still women who are affected.

This activity aims to provide awareness and education to pregnant women and help promote better health practices.

The major goal of the activity is to encourage healthy pregnancy 𝖒𝖆𝖎𝖓𝖙𝖆𝖎𝖓𝖎𝖓𝖌 𝖟𝖊𝖗𝖔 𝖒𝖆𝖙𝖊𝖗𝖓𝖆𝖑 𝖉𝖊𝖆𝖙𝖍 𝖆𝖓𝖉 𝖈𝖍𝖎𝖑𝖉 𝖒𝖔𝖗𝖙𝖆𝖑𝖎𝖙𝖞 as well as to encourage pregnant women to avail of the healthservices and help them have a healthy pregnancy, safe delivery and healthy baby.

This Buntis Congress was an interactive learning session and participants were expected to gain knowledge about the scaling up of nutrition for the first 1000 days of life, safe motherhood, benefits of exclusive breastfeeding, proper complementary feeding techniques, child immunization, importance of facility-based delivery and family planning.

The Integrated Provincial Health Office with RHU Staff also distributed buntis kits to all pregnant women.

Maternal and child health related concerns addressed,a healthier and more productive pregnancy and delivery will be attained.

Thank you LGU Santa Maria, spearheaded by Municipal Mayor Hon. Hilario G. Pagauitan through its Rural Health Unit headed by MHO Dr. Bryan Julius T. Panganiban with the RHU staff Dr. Maria Theresa A. Bulauan,Municipal Dentist,Dr. Sandra Rose Y. Frando,DTTB,Ma'am Milva G. Barasi ,PHN II , Midwives and DOH-HRH.

As well as to the ever supportive Barangay Officials of Barangay Bangad spearheaded by Barangay Captain, Hon. Edson C. Serrano and team.Looking forward to more health programs being implemented.


BARANGAY HEALTH CENTER AND ITS IMPORTANCEThe Barangay Health Center is a community-based and patient-directed organizati...
20/08/2023

BARANGAY HEALTH CENTER AND ITS IMPORTANCE

The Barangay Health Center is a community-based and patient-directed organization. Its goal is to provide FIRST AID,, maternal and child health care, diagnosis of social diseases, and other basic health services to all the members of the community it is serving.

Barangay health workers (BHWs) play a vital role in healthcare system. They act as community organizers, educators, and primary healthcare service providers in the community. Therefore, they are at the forefront of the delivery of healthcare services at the grassroots level.

Indeed,a functional BHS with dedicated BHWs

-assessing the victim
-Provided First Aid
-Referred to higher facility for evaluation and management




ᴀꜱᴀ ᴘʜɪʟɪᴘᴘɪɴᴇꜱ ꜰᴏᴜɴᴅᴀᴛɪᴏɴ ɪɴ ᴄᴏᴏᴘᴇʀᴀᴛɪᴏɴ ᴡɪᴛʜ ʜᴀᴘᴀɢ-ᴀꜱᴀ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ᴛʜᴇ 120 ᴅᴀʏꜱ ꜰᴇᴇᴅɪɴɢ ᴘʀᴏɢʀᴀᴍ ᴛᴏ ᴀʟʟ ɪᴅᴇɴᴛɪꜰɪᴇᴅ ᴜɴᴅᴇʀᴡ...
12/08/2023

ᴀꜱᴀ ᴘʜɪʟɪᴘᴘɪɴᴇꜱ ꜰᴏᴜɴᴅᴀᴛɪᴏɴ ɪɴ ᴄᴏᴏᴘᴇʀᴀᴛɪᴏɴ ᴡɪᴛʜ ʜᴀᴘᴀɢ-ᴀꜱᴀ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ ᴛʜᴇ 120 ᴅᴀʏꜱ ꜰᴇᴇᴅɪɴɢ ᴘʀᴏɢʀᴀᴍ ᴛᴏ ᴀʟʟ ɪᴅᴇɴᴛɪꜰɪᴇᴅ ᴜɴᴅᴇʀᴡᴇɪɢʜᴛ ᴄʜɪʟᴅʀᴇɴ ɪɴ ʙᴀʀᴀɴɢᴀʏ ʙᴀɴɢᴀᴅ.

ANO BA ANG MALNUTRISYON?

Ang malnutrisyon ay isang kondisyon na sanhi ng kakulangan, labis o sobra, hindi balanseng kaloriya, at sustansya sa pagkain para magamit ng katawan. Ito ay may dalawang mukha: ang kakulangan sa nutrisyon o undernutrition at ang sobra sa nutrisyon o mas kilala na overnutrition.

-Kasama sa karaniwang uri ng undernutrition ay ang kakulangan sa timbang (underweight), pagkabansot (stunted) at pagkapayat (wasted). Ang overnutrition naman ay ang sobra sa timbang (overweight).

It is really a big help for us to reduce malnutrition through this 120 days feeding program.For continous nourishment for growth and development and to contribute to the improvement of our undernourish children.

Thank you ASA Philippines Foundation for this opportunity.We are forever grateful and we look forward for your next mission to deliver health services in our community.

And also to all barangay officials spearheaded by Barangay Captain,Hon. Edson C. Serrano for always supporting our health programs.And to all BHW and BNS for their dedication to pursue this 120 days feeding.




Hunyo Na!A-Aksyon B-Barangay BangadK-kontraD-engue
09/06/2023

Hunyo Na!

A-Aksyon
B-Barangay Bangad
K-kontra
D-engue

09/06/2023

HUNYO na!!!
Dengue Awareness Month!

Ang dengue ay isang sakit na sanhi ng dengue virus na naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na kabilang sa Aedes species (lalo na ang Aedes aegypti). Naglalagi ang mga lamok sa mga madudumi at basang mga lugar, kung kaya ay nagiging malimit ang paglaganap ng dengue sa panahon ng tag-ulan. Ang isang indibidwal ay maaaring magkaroon ng dengue nang hanggang apat na beses sa kabuuan ng kanyang buhay, dahil ang dengue ay mayroong apat na serotypes. Nangangahulugan ito na hindi naaapektuhan ang isang indibidwal ng isang serotype ng dengue na dati nang nakaapekto sa kanya.

Ang Aedes species na mga lamok na siyang nagdadala ng dengue virus, ay may mga puti at itim na guhit sa kanilang katawan at madalas na umaatake sa pagitan ng alas sais hanggang alas otso ng umaga, at sa pagitan ng alas kwatro hanggang alas otso ng gabi. Ang mga lamok na ito ay nagpaparami sa stagnant water, o sa hindi na dumadaloy na tubig.

Kapag ang isang indibiwal ay tinamaan ng dengue, maaari siyang makaranas ng mataas na lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw, pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan, panghihina, pamamantal ng katawan, pagdurugo ng ilong, at pagsusuka at pagdurumi na may kasamang dugo. Kung sakaling makaranas ng mga nasabing sintomas, agad na magpunta sa pinakamalapit na pagamutan sapagkat ang dengue ay maaaring lumala sa loob lamang ng ilang oras kung hindi agad mabibigyan ng atensyon.

Mag 5s para laging handa
🦟Search and destroy
🦟Self-protect
🦟Seek consultation
🦟Support fogging in outbreak areas
🦟Sustain hydration



Address

Purok 6, Bangad, Santa Maria
Isabela
3330

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHS-Bangad ,Santa Maria,Isabela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to BHS-Bangad ,Santa Maria,Isabela:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram