23/09/2025
๐๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ ๐จ๐ฎ๐ญ. ๐๐๐ค๐๐ฉ ๐ข๐ฌ ๐ข๐ง.
Sa bawat pagpunta ng pasyente, hindi lang sakit ang dala nila , kundi pangamba, tanong, at pag-asa. Noon, tinatawag itong Konsulta. Ngayon, pinapalitan natin ng mas makahulugan na salita: ๐๐ผ๐๐ผ๐.
Dahil ang tunay na kalusugan ay hindi lang nasusukat sa reseta o laboratoryo. Nasusukat ito sa kung paano natin inaalalayan ang bawat Pilipino bago pa man lumala ang kanilang karamdaman. Nasusukat ito sa kung paano natin niyayakap ang lahat, bata man o matanda, miyembro man o dependent.
Sa HNCH, ang ๐๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐ฉ๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐ ay higit pa sa benepisyo. Isa itong pangako: na walang maiiwan, na ang bawat alaga ay may kasamang malasakit.
Samahan kami ngayong ika-24 ng Setyembre, taong 2025, ika-8 ng umaga sa Holy Nazarene Clinic and Hospital. Sabay-sabay nating ipadama ang pag-aaruga at ๐๐ผ๐๐ผ๐ para sa bawat pamilyang Pilipino.