25/06/2020
G U I D E L I N E S:
👉 Isa lang po ang hiling ko bawal po tayo'ng magpost ng makakasakit po ng damdamin ng iba. Alam ko po na halos lahat dito ay sensitibo, Kaya sana ingatan po natin ang mga salitang bibitawan natin 😊
💟 Kapag po may nag post, allowed po ang bawat isa to give their advices, their own experience to motivate someone na nag post para lumakas ang kanyang loob. Magtulungan po tayo para malagpasan ang kung ano ma'ng uri ng Anxiety ang ating kinakaharap.
💟 You can upload your pictures/videos po related sa content po natin "Anxiety Disorder" to give information, for us to be informed.
💟You can share your personal experiences po kung paano niyo po nilalabanan ang Anxiety Disorder para na din po sa iba na nangangailangan po ng advices at mga tips.
💟NO screen shots of conversation po dito hah tapos I-upload outside of our page. Kung maaari lang po 'wag nating gawing kumplikado ang page na ito. Ang main purpose po ng page na ito ay para may ma kausap ang taong meron anxiety disorder, may mapagsabihan ng sama ng loob ang bawat isa(para hindi niya maramdaman na nag-iisa lang siya, na walang nakakaintindi sa kanya kundi marami po tayo) at para gumaling po hindi palalain ang kanyang Anxiety 👍
Disclaimer din po:
Isa din po ako sa may Anxiety Disorder na gustong gumaling po, hindi po ako Psychologist or Medical Expert, basta gusto ko lang din po'ng makatulong...
God bless po sa lahat
P. S
BE YOURSELF, WAG MAHIYA..SHOW YOUR EMOTIONS HERE...
💟