01/12/2025
Ngayon unang araw ng Disyembre, bilang bahagi ng ating selebrasyon ng World AIDS Day at pagpapalakas ng ating programang pangkalusugan ng ating mga kabataan, kasama po ang ating mga ever-reliable partners Family Planning Organization of the Philippines (FPOP) at Emiliano Tria Tirona Memorial National Integrated High School (ETTMNIHS), tayo po ay nagbahagi ng mga napapanahong paksa may kinalaman sa Sexual and Reproductive Health para sa ating mga kabataang Kawitenyo. Tayo po ay nagbigay ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa Teenage Pregnancy, HIV & AIDS Prevention. Mahigit sa 300 mag-aaral mula sa Junior High School ng ETTMNIHS ang nakilahok sa ating gawain. Bahagi pa rin po ito ng ating lokal na programa na palawakin ang kamalayan ng ating mga kabataan partikular sa pangangalaga ng kanilang sekswal na kalusugan at mailayo sila sa mga hindi magandang epekto ng pakikipagtalik ng hindi nasa hustong edad.
Armie Aguinaldo
Angelo G. Aguinaldo
Rossell Arellano
Atty. Angelica Pulido
Konsi Jerry Baylen Jarin
Alvin Samala Bunag
Junbie Reyes Samala
B**g Dones Cajigas
Resty Escarilla Layola
Kawit Public Information Office