01/09/2020
Mga Ilang tips para maka-Ipon.
1.Magtakda ng goal. Ang pagkakaroon ng goal ay makakatulong para makaipon ka ng pera. Halimbawa “gusto kong makapagpatayo ng bahay”. Dahil may goal ka, mas maiisip mo na may mapupuntahan ang pera mo. Kapag may goal ka na, kausapin ang pamilya para alam din nila ang mga plano mo sa iyong pag-aabroad.
2.Ugaliin ang pagiimpok. Sabi nila kelangan mong gawin ang isang bagay ng tuloy tuloy sa loob ng 21 na araw para maging “habit” ito. Maari mo itong i-apply sa pag-iimpok. Magtabi palagi ng pera kahit pakonti-konti hanggang sa maging habit mo na ang pagtatabi ng pera para sa savings mo.
3.Magkaroon ng sistema. Maari natin hati-hatiin ang ating pera gamit ang sobre o kaya ay garapon at saka pangalanan ang kada lalagyan, halimbawa kuryente, tubig, allowance, at higit sa lahat IPON!
4.Mag-Invest o Negosyo. Madaming klase ng investment o Negosyo ang pwedeng pamilian ng isang OFW habang nasa Abroad or Paguwi ng Pilipinas.
5.Iwasan ang mga hindi kelangan Gastos. Laging tanungin ang sarili bago gumastos, “kelangan ko ba ito?,” “kaya ko ba ito?,” “gusto ko ba ito?” Maari kasing hindi mo naman talaga kelangan pagkagastusan ang isang bagay at ito ay luho lamang.
https://117787ph.imgcorp.com/