25/08/2025
🎉
Maligayang Araw ng mga Bayani!
Tuwing huling Lunes ng Agosto ay ginugunita natin ang Araw ng mga Bayani, alinsunod sa Republic Act No. 9492. Ang araw na ito ay isang pagpupugay sa lahat ng nag-alay ng kanilang buhay, lakas, pag-ibig, at talino para sa ating Inang Bayan. Sila ang nagsilbing ilaw at inspirasyon upang makamtan natin ang kasarinlang tinatamasa ngayon.
Kasama sa kanilang hanay ang mga kababaihang bayani na hindi nagpatinag sa hamon ng panahon at nag-alay ng tapang at malasakit para sa bayan. Ang kanilang halimbawa ay nagpapatunay na ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa lakas ng bisig, kundi sa paninindigan at pusong handang maglingkod.
Ngunit ang diwa ng kabayanihan ay hindi natatapos sa kasaysayan. Ito’y nagpapatuloy sa bawat Pilipino na nagsisikap para sa isang lipunang tunay na pantay at malaya mula sa diskriminasyon, pang-aapi, at sa lahat ng hadlang na pumipigil sa dignidad ng tao. Gaya ng ipinaglaban ng ating mga bayani ang kalayaan noon, nawa’y ipagpatuloy natin ang laban tungo sa pagkakapantay-pantay at katarungan para sa lahat.
Mabuhay ang ating mga bayani! Mabuhay ang mga kababaihang patuloy na nagiging ilaw at lakas ng bayan! Mabuhay ang malayang Pilipinas!