26/12/2025
πππππππ:
May babala na ang local at international health experts na pabata ng pabata ang mga nagkakasakit ng chronic kidney disease.
May mga humahantong na sa stage 5 CKD na tila isa itong sakit na mahirap o kung hindi man ay hindi na ito makukuha sa gamot kundi kailangan na ang dialysis o kidney transplant para mabuhay.
Itinuturing itong end-stage kidney disease o kidney failure.
Tinatayang nasa 7 milyong kabataan ang mayroong CKD5.
Sa datos pa ng Department of Health, mahigit 80% sa mga matatanda na may diabetes ang nagkakaroon ng end-stage CKD.
Sa National Kidney and Transplant Institute, karamihan naghe-hemodialysis session ay nasa edad 20 hanggang 59 years old. Ang iba, mga batang may edad 10 pababa
Batay sa pag-aaral, bunsod ito ng unhealthy lifestyle behaviors tulad ng sobrang pagkain ng processed foods na mataas sa sodium, fat at sugar.
Dahil diyan, nagkakaroon ng glomerulonephritis na isang kondisyon kung saan namamaga o nasisira ang maliliit na salaan o filter ng kidney. Ang mga salaan na ito ay naglilinis ng dugo at nag-aalis ng dumi at sobrang likido na inilalabas sa pamamagitan ng ihi.
Sa panahon ngayon, nawili sa Western foods ang diet ng mga Pilipino o yung mga fast foods. Nababago ang ating food system mula pa sa preparasyon ng pagkain at inumin.
βThe result is diets with excessive energy density, high in free sugars and unhealthy fats and salt, and low in dietary fiber that increase the risk of obesity and other diet-related noncommunicable diseases,β
-Pan American Health Organization
Maging maingat sa kinakain. Pinakamainam ang prutas, gulay, isda at karne na niluluto ng sakto lang sa iyong panlasa.
Samahan ito ng regular exercise para mapanatili ang tamang timbang ng katawan.