24/09/2025
🩺 Take Charge of Your Health – Get Tested for Diabetes Today!
Early detection can make all the difference.
Visit us Labason Medical and Diagnostic Center
Buctuan Commercial Bldg., Brgy. Lopoc, Labason, ZN
Beside AllenOne Grocery Store
To book an appointment, please message us or contact:
📞0970-875-5430
Pamamanhid ng katawan: Baka Diabetes o Stroke na
Payo ni Doc Willie Ong
Madalas ka ba makaramdam ng pamamanhid?
Ito ay isang karaniwang nararamdaman na karaniwan ay walang seryoso o malubhang kahihinatnan.
Para sa mga typist, mga mechanical workers at kababaihan na naglalaba, karaniwang sila ay nakararanas ng pamamanhid ng mga kamay, na dahil sa carpal tunnel syndrome. Ang kondisyong ito ay nangangahulugang na ang ugat (median nerve) na nagbibigay ng lakas sa kamay ay naiipit. Ipahinga ang iyong mga kamay.
Ang isa pang karaniwang lugar ng pamamanhid ay sa hita sa pag-upo at pag-higa. Ito ay dahil sa naiipit ang sciatic nerve sa may balakang natin.
Ngunit dalawang mas malubhang sanhi ng pamamanhid ay stroke at diabetes.
Bagamat bihira lamang ito, may ilang mga pasyenteng na-stroke ay ang reklamo lamang ay bahagyang pamamanhid sa katawan. Kaya naman kung may pag-aalinlangan, ang mga doktor ay maaaring mag-request ng isang CT Scan sa ulo para masuri ang stroke.
Ang diabetes ay maaari ring maging sanhi ng pamamanhid, karaniwan sa mga binti at paa. Kung hindi mo mapananatili ang iyong blood sugar ng mas mababa sa 120 mg/dl, maaari itong magresulta sa pinsala sa mga ugat.
Ang may diabetes ay dapat mag-ingat sa kanilang mga binti dahil ang karaniwang senaryo ay ang pagkakaroon ng pamamanhid sa paa muna, pinsala sa paa at impeksyon. Sa mga napabayaang mga kaso, maaari itong humantong sa amputation o pagkaputol ng binti