03/12/2025
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Ngayong darating na Kapaskuhan, inilunsad ng Labo District Hospital (LDH) ang kanilang namumukod-tangi at makukulay na dekorasyong pampasko. Sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Jose Vernon A. Banal, MD, MPA (Chief of Hospital) katuwang si Ms. Ma. Deborah Pante-Curva, RN, MAN (Acting Chief Nurse), at ng mga empleyado at healthcare workers, naging matagumpay ang pagsasagawa ng masayang aktibidad na ito nitong Disyembre 1, 2025.
Tampok dito ang makukulay na parol, makikislap na ilaw at mga temang sumisimbolo ng pag-asa para sa bawat isa na nagsisilbing paalala na sa gitna ng hamon ng buhay, may kaliwanagan at kasiyahan pa ring hatid ang panahon ng Kapaskuhan.
Sa pamamagitan ng simpleng pagdiriwang nito, naipapakita ng mga healthcare workers na nagbibigay serbisyo ang kanilang malasakit at pagnanais na maipadama ang pag-asa, saya at pagmamahalan ngayong Pasko.
โ๏ธ: | Marifel Fernandez
๐ธ: | Chester Agris/Jhon Latrell Pedriรฑa