16/11/2025
๐๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐๐ง๐ฌ
May payout na po ang DSWD para sa Social Pension (4th Quarter ng 2025) starting November 18 (Tuesday) hanggang November 21 (Friday) na gaganapin sa South Park Center, Alabang
๐ Reminder: Ang Social Pension ay proyekto po ng national government sa ilalim ng DSWD, ayon sa Republic Act 9994 (Expanded Senior Citizens Act of 2010), at hindi ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa. Layunin nitong magbigay ng tulong-pinansyal sa mga senior citizen na:
โข Walang trabaho o pinagkakakitaan
โข Walang natatanggap na pension mula sa GSIS, SSS, o insurance
โข Walang nakukuhang suporta mula sa pamilya
โ
Para sa mga Senior Citizen Beneficiaries na kukuha ng kanilang social pension, dalhin ang inyong OSCA ID (original at photocopy na may 3 pirma)
โ
Para naman sa mga Authorized Representatives, dalhin ang mga sumusunod:
๐ Original at photocopy ng Senior Citizen ID (may 3 pirma o thumbmark)
๐ Original at photocopy ng valid ID ng representative
๐ DSWD-Templated Authorization Letter na pirmado ng senior citizen, kapitan/kagawad, OSCA, at representative (Makukuha ito sa OSCA o Senior President. Siguraduhing may dry seal mula sa barangay)
๐ธ Picture ng beneficiary at representative na hawak ang dyaryo o kalendaryo ng buwan ng Nobyembre
Para sa mga pumanaw na beneficiary (August โ November 2025), dalhin ang:
โข ๐ Original at photocopy ng Senior Citizen ID
โข ๐ Death Certificate PSA original or certified true copy
๐ Paalala sa lahat ng Senior Beneficiaries at Representatives: Magtungo po sa venue ng payout ayon sa oras na nakasaad sa inyong paanyaya.