09/11/2025
📢‼️‼️ PABATID ‼️‼️📢
Dulot ng masamang panahon at suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno, ang therapy at konsultasyon bukas (Nobyembre 10, 2025 – Lunes) ay KANSELADO.
🗓️ Magbibigay po kami ng panibagong iskedyul para sa mga apektadong pasyente ng konsultasyon at therapy.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
🙏 Mag-ingat po tayong lahat! 💙
Dahil sa banta ng matinding ulan at hanging dala ng Bagyong , suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa NCR, CAR, at Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, at VIII bukas, Nobyembre 10, 2025.
Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa mga nabanggit na rehiyon, pati na rin sa Region VI, Region VII, at Negros Island Region sa Nobyembre 10 at 11, 2025.
Maaaring magdeklara ng suspensyon ang ibang LGU, at mananatiling bukas ang mga ahensyang responsable sa essential services.
Mag-ingat po tayo at sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo ng DOST-PAGASA at ng inyong mga lokal na pamahalaan.