18/11/2025
Sa pagdiriwang ng World AIDS Day, inaanyayahan ng Pamplona Hospital and Medical Center ang lahat sa isang HIV Awareness Lay Forum na may temang:
“Kaalaman at Komunidad: Laban sa HIV.”
Alamin ang tungkol sa HIV prevention, testing, at treatment, at kung paano tayo makakatulong sa pagtataguyod ng isang komunidad na walang stigma, kasama ang ating panauhing tagapagsalita, Natasha Julienne M .Delgado, MD, AAHIVS
Makakasama rin natin ang LoveYourself Inc., na magbibigay ng safe practice kits at magsasagawa ng LIBRENG HIV testing.
🗓 Disyembre 1, 2025 | 10:00 AM – 12:00 NN
📍 Pamplona Hospital and Medical Center
🎤 Natasha Julienne M. Delgado, MD, AAHIVS
Magsama-sama tayo para sa kaalaman. Manindigan para sa malasakit. Tulungan nating wakasan ang stigma. ❤️
Inaasahan namin ang inyong pagdalo!