22/02/2026
Sumasakit ang kanang bahagi ng tadyang na tumatagos sa likod? Sinisikmura? Nagsusuka?
Wag na natin hayaang lumala pa. Ipatignan at baka ganito na ang nangyayari sa kanilang apdo.
Tulad ng ating pasyenteng ilang linggo na tiniis ang sakit. Hanggang sa naoperahan na natin at nakitang nakabara na ang isang malaking bato na kasing laki ng ubas sa leeg ng kanyang apdo.
Pagkatapos ng matagumpay na operasyon, ang pasyente natin ay nakauwi naman kaagad na tila nabunutan ng tinik sa sakit.
Wag mag-atubili, magpakonsulta na sa inyong domtor or surgeon 😊