15/04/2026
🍎🦑🥕🍌🥦PAGKAING PAMPALUSOG SERIES💧🍇🍗🥖🥛
👎Huwag gamitin ang pagkain as REWARD.
👎Huwag ipagbawal ang pagkain as PUNISHMENT.
Bakit???
👨⚕️"Limiting access to some foods and making its access contingent on a particular accomplishment increases the desirability of that type of food." In other words, ginagawa niyong something special ang mga unhealthy food so lalong tumaas ang desire nilang makain iyon.
👨⚕️Hinuhubog niyo ang maling eating habits sa mga bata. By the time na may laya na siyang kumain mag-isa (ex. pag pumapasok na sa school), then higher ang chance na bibili siya nang bibili noong mga pagkaing pina"special" niyo.
example para mas malinaw:
Kapag naubos mo lahat ng gulay sa pinggan mo, bibigyan kita ng ice cream. 😱😱😱 I'm sure maraming guilty dito. Ang effect nito ay lalo silang maiinis sa mga gulay kasi balakid ito sa something na hindi basta basta binibigay ng parents. Kapag naubos na ang supply ng ice cream baka hindi niyo na sila mapakain ng gulay.
solution:
Pumili ng ibang reward tulad ng laruang hindi mamahalin, family time, special family events, or collectible items.
ex. Sa bawat bakuna na hindi siya magwawala, may isang star siya. Kapag nakalimang star may 1 new toy. Kung alam niyo ang taste ng bata, then puwedeng kayo na bumili in advance para sure na pasok sa budget.
Reference: Nelson Textbook of Pediatrics
tamang pagpapakain:
https://www.facebook.com/doczane/photos/a.339454020090213/448868905815390/?type=3&theater
tamang pangangalaga ng bata:
https://www.facebook.com/doczane/photos/a.339454020090213/616134509088828/?type=3&theater
💚💚💚