11/05/2025
Dear Nanay/Mama/Mom/Inay/Mommy/Ina/Madir,
Sana ay MATAUHAN KA NA!
ILAW NG TAHANAN??? Hindi totoo yan! Kasi madalas, pundido ka na sa sobrang pagod sa trabhong bahay. At talaga namang nakakapundi ang makunsume sa mga gastusin at pasaway na miyembro ng pamilya.
MOMMY'S ALWAYS HERE??? Hindi totoo yan! E lahat iniwan mo... Yung career, ung barkada, mamahaling makeups/damit/gadgets, solo travel, at mga pamorningang gimik. At sa panahon na minsan kang mag-quick getaway, hawak mo pa rin ang phone mo para icheck kung safe at kumakain ang naiwang pamilya sa bahay.
MATITIPID ANG MGA NANAY??? Hindi totoo yan! Hindi mo nga matipid ang pinapakita mong pagmamahal, pag-aalaga, pagpapatawad, at pagiging mapagbigay... Kasi ibinigay mo na lahat. At madalas, wala nang natitira para sayo... Madalas mo na ngang sabihing 'ubos na ubos ka na' ...
WORKING MOM??? Tama yan, maguilty ka na wala kang time sa pamilya mo! Ikaw lang naman ang isa sa nag-aakyat ng pera sa pamilya para makapag-aral, makakain at maging comportable ang buhay nila. Madalas nga, ikaw ang may pinakamaraming pera tuwing sweldo pero hindi ka makabili ng bagong panty dahil iniisip mo hindi naman nakikita ng mga tao yan pagpasok mo sa office, so pwde pang pagtyagaan.
HOUSEWIFE??? Tama ang sinasabi nilang sarap ng buhay mo dahil wala ka daw ginagawa! Kahit na madalas wala ka nang
time magsuklay o tumingin man lang sa salamin, dahil maghapon kang nakafocus sa trabahong bahay at pag-aalaga sa pamilya. Sinong nagsasabing wala kang inaakyat na pera sa pamilya, kung nakakuha na sila ng labandera, accountant, plantsadora, tutor, cook, cleaner, guard ng libre at available 24/7! Ang laking tipid non!
WORKING FROM HOME MOM??? Tama ang sinasabi nilang napakasarap ng buhay mo dahil kumikita ka habang nasa bahay nang walang ginagawa! Madalas pa nasa isip nila 'scammer siguro yan puro computer ang hawak pero kumikita'... Pero ikaw na stay at home working mom ay hirap na hirap magmulti-task at magtoggle between household chores at professional work modes. Ni hindi ka na nga makaligo, madalas nakapajama ka sa mga meetings at may muta. Madalas kung anu-ano na nadadaydream mo habang nasa computer kasi iniimagine mo ung lulutuin mo at yung paglilinis ng banyo at umiiyak na batang gustong dumede. Yung 'di ka makafocus sa trabaho mo kasi iniisip ng mga kapamilya mo na 'hindi totong trabaho yan, nasa bahay lang so pwde dun istorbohin anytime'... Bakit? Hindi ba pwdeng trained multi-tasker ka talaga at gusto mong mas madaming time sa pamilya habang kumikita ng dollars?
Madir, Inay, Mom, Mama, Ina, Mommy - napakahirap ng trabaho mo. Hindi lahat ng tao ay kaya yan! 'Wag mong isipin na napag-iwanan ka na ng panahon, nalosyang ka na, nasayang ang buhay mo para sa pamilya. Dahil hindi totoo yan! Hindi lahat ng achievements ay nakasulat sa papel...Minsan sa puso din nakaukit lang...
Ano man ang naging nakamit or naabot mo bilang ina, lahat yan ay may nakalaang reward galing sa Diyos. Sa iba't ibang paraan nga lang darating at mas maganda pa kaysa sa inaasahan natin...
Saludo ako lahat sa inyo! Nawa'y maachieve nio lahat ng mithiin ninyo sa buhay dahil kailanman ay hindi naging/ nagiging/magiging madali ang pagiging isang ina.
Kaya sana, ngayong Mother's Day, ipamper mo naman ang sarili mo maski minsan. Pwedeng mapagod pero hindi pwde sumuko! Bumili ka ng bag, makeup, sapatos or magpakulay ng buhok. Kumain ka sa buffet. Magtravel ka. Grab mo ang makakapagpasaya sayo. Make some memories for yourself. Gawin mo yung makakapagpa-recharge sayo. Deserve mo yan!!!
Ang liham na ito ay hindi lang para sa mga ina, para din ito sa kanilang pamilya na hindi pa nakakarealize o nakakalimutan na kung gaano kahalaga ang mga nanay.
Sana ay MATAUHAN KA NA!
Nagmamahal,
Me, Myself & I