22/01/2026
MGA ALITUNTUNIN KAPAG LUMINDOL
Dahil sa sunod-sunod na lindol na naranasan sa Bayan ng Lebak at mga karatig na lugar, mahalagang maging handa, maalam, at disiplinado ang lahat ng kawani, pasyente, at bisita ng SKDH sa oras ng lindol.
Ang mga alituntuning ito ay nagsisilbing gabay upang mapanatili ang kaligtasan, maiwasan ang pinsala, at matiyak ang maayos na pagtugon ng ospital bago, habang, at pagkatapos ng isang lindol.
π BAGO ANG LINDOL
βοΈ Alamin ang mga exit routes, evacuation areas, at location ng fire extinguishers
βοΈ Siguraduhing may Go Bag ang bawat departamento
βοΈ I-secure ang mga kagamitan at mabibigat na gamit
βοΈ Sumunod sa mga DRRM at Hospital Emergency Protocols
π HABANG LUMILINDOL
Gawin ang βDROP, COVER, and HOLDβ
πΉ DROP β Yumuko agad at manatiling mababa
πΉ COVER β Sumilong sa ilalim ng matibay na mesa
πΉ HOLD β Kumapit hanggang huminto ang pagyanig
π« Huwag tumakbo palabas
π« Lumayo sa salamin, kabinet, ilaw, at medical equipment
Para sa mga Pasyente:
ποΈ Kung nasa k**a, manatili doon at takpan ang ulo
𦽠Kung naka-wheelchair, i-lock ang gulong at yumuko.
π PAGKATAPOS NG LINDOL
βοΈ Manatiling kalmado at maghanda sa posibleng aftershocks
βοΈ Suriin ang sarili at mga pasyente kung may pinsala
βοΈ Iulat agad ang anumang injury o sira sa gusali
βοΈ Sumunod sa utos ng Hospital Disaster Risk Reduction Management
βοΈ Lumikas lamang kapag may opisyal na abiso
π’ MAHALAGANG PAALALA
πΈ Ang kaligtasan ng pasyente at kawani ang pangunahing layunin
πΈ Panatilihin ang kaayusan at huwag mag-panic
πΈ Makinig lamang sa opisyal na anunsyo ng SKDH Management