20/04/2026
F2F suspended. We shift to online.
JUST IN: Suspendido ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa buong lalawigan ng Albay epektibo bukas, ika-21 ng Abril dahil sa ikakasang transport strike batay sa ipinalabas na PDRRMC-APSEMO Advisory 2026-10 ni Governor Noel Ebriega Rosal.
Inatasan rin ng gobernador ang mga namamahala sa mga opisina ng gobyerno at pribadong sektor na maglaan ng sasakyan upang maihatid-sundo ang mga empleyado, at upang tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo .
Kaugnay nito, inatasan rin ang bawat lokal na pamahalaan na maglaan ng sasakyan para sa libreng sakay sa inaasahang bugso ng pasahero/stranded na mga pasahero.