06/07/2020
CHANGE is CONSTANT
If you notice, everything around you keeps CHANGING, what we are now or sometime back, be it physically or psychologically, everything CHANGES and keeps CHANGING.
Matthew 5:3-10 The Beatitudes say, blessed/happy ka kung naghihirap Ka sa ngayon kasi SURE na magbabago ang estado mo sa buhay.
Kung nasa ilalim ka ngayon SURE bukas nasa ibabaw ka naman.Wag ka lang tumigil kumanta, ay mangarap pala!๐
Rom 8:28 God works for your good!
MITSA. Ito ang MITSA ng pagbabago. Parang ilawan o lampara, para magliwanag ang ilawan na ito, kailangan i-ignite o sindihan para umilaw. Ganito rin sa pagbabago. Either through PAIN or GAIN.
In my case, it was PAIN.
Nasaktan ako noon nang sabihan ako ng aking iniidolong g**o na ang aming pamilya ay sobra ang kahirapan o paghihirap sa buhay! Ito ay salinlahi na ayon sa kanya ay nagpapatuloy na parang KADENA or CHAIN. Mahirap putulin o i-BREAK! Pero aniya, kaya kung gugustuhin.
So, ito ang naging MITSA at nag ignite sa akin upang magsumikap at magsakripisyo upang makapagtapos ng pag-aaral. Katulad ng sinabi niya, ang aming pamilya ay salinlahi ng UNEDUCATED. Ang sakit non sakin!
Sa madaling salita, nilakad ko ng isang oras araw-araw ang humigit kumulang dalawang kilometrong bundok. Tiniis ang init at pagod, at sa tuwing tag-ulan ang maputik at madulas na daan, at ang gumaragasang baha sa ilog para lang maitawid ang pag- aaral sa elementarya. Finally, I graduated VALEDICTORIAN!
PRAISE GOD!
Pagkatapos nito, may mas malaking HAMON sakin. Kailangan ko maglakad ng humigit kumulang 7 kilometro para maitawid ang aking pag-aaral sa High School. Lagi ako tulala noon, hirap isipin kung paano PUTULIN ang kadena ng kahirapan. This time, every day kailangan ko ulit magtiyaga at pagtiisan ang init ng araw at sa biglang pag-ulan,ang lamig, at basa sa madulas at maputik na daan.
Pagod, gutom, at sobrang insecurities ang sobra kong tinitiis noon.
In college, at Bicol University, although I was a consistent academic scholar , I oftentimes didn't get the best of me because of so much insecurities, so....I decided to give my life to Jesus in February 27, 2000.
It was then a remarkable moment in my life that everything CHANGED.
My INSECURITIES was gone and I became true to myself.
It was indeed a beginning of my life worth living.
Praise the Lord, I finally found my PURPOSE.
Noong hindi pa ako disciple, takot ako sa mga PAGBABAGO.
Ngayon hindi na! I have learned to trust God and do my best sa mga pagbabagong nagaganap at maaring maganap sa buhay ko, sa ibang tao, at sa paligid ko.
I believe God works and makes things better according to His purpose.
I indeed broke the chain! My parents became disciples and died peaceful with a joyful farewell dahil sa kanilang naging PAGBABAGO.
Yung dating (7kilometers) nilalakad ko nang 2 hours mahigit, it only took me 15 minutes driving my own car today!
Yung dating maputik at madulas na daan na nilalakad ng pagapang, ngayon ay sementado na.
Yung dating gatas na tuwing may sakit lang ako dumadampi sa aking lalamunan, ngayon ay di lang lalamunan kundi pati buong balat ay nakakatikim na rin๐.
Yung dating tuwing pasko ko lang natitikman na slice bread at star margarine, ngayon ay araw araw ko nang natitikman!
Matthew 7:7 "Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you."