24/09/2025
๐ข๐ช ๐น๐ช๐ท๐ช๐ฑ๐ธ๐ท ๐ท๐ฐ ๐ฝ๐ช๐ฐ-๐พ๐ต๐ช๐ท, ๐ญ๐ช๐น๐ช๐ฝ ๐ฝ๐ช๐ท๐ญ๐ช๐ช๐ทโฆ
Kaakibat ng sunod-sunod na pag-ulan ay ang pagiging handa at pagkakaroon ng sapat na kaalaman upang mapanatiling ligtas at malusog ang iyong sarili at pamilya. Narito ang ilan sa mga praktikal na gabay at tip upang matulungan kang harapin ang panahon ng tag-ulan.
1. ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฒ๐ฑ ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป
Mahalagang maging updated sa mga ulat ng panahon. Ang pag-alam sa mga inaasahan ay makakatulong upang mas maayos mong maplano ang araw at maiwasan ang mga delikadong sitwasyon. Ngunit siguraduhin na mapagkakatiwalaan ang iyong source at hindi ito fake news. Ilan sa mga puwedeng pagkunan ng tiyak na impormasyon ay ang DOST-PAGASA, lokal o nasyonal na balita at ang iyong lokal na pamahalaan (LGU). Regular na tumingin ng updates at maging alerto sa anumang malalakas na babala o advisory sa inyong lugar.
2. I๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐๐ฎ๐ป
Ang pagkakaroon ng tamang kagamitan ay makatutulong upang manatiling tuyo at kumportable kapag biglang bumuhos ang ulan. Palaging magdala ng maliit at compact na payong o magaan na raincoat. Gumamit ng waterproof na sapatos upang hindi mabasa ang paa at maiwasan ang impeksyon.
3. ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ
Delikado ang paglalakad o pagmamaneho sa baha dahil sa panganib ng pagkalunod, impeksyon, at mga nakatagong panganib sa ilalim ng tubig. Humanap ng alternatibong ruta kung may baha sa daan. Iwasan ang paglusong sa baha. Kung hindi maiiwasan, magsuot ng bota o proteksyon sa paa para makaiwas sa leptospirosis.
4. ๐ฆ๐ถ๐ด๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐๐ต๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ฏ๐ถ๐ด
Karaniwan ang kontaminasyon ng tubig sa panahon ng tag-ulan na maaaring magdulot ng sakit. Upang makaiwas, maaaring pakuluan ang tubig bago inumin o gumamit ng mga water purification tablet. Itabi ang malinis na tubig sa mga nakatakip na lalagyan upang maiwasan ang kontaminasyon at regular na suriin ang imbakan ng tubig para sa anumang tagas, sira o dumi na maaaring pagmulan ng dengue.
5. ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ธ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ ๐ผ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐๐ฟ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ
Mapanganib ang tubig at kuryente kapag magkasama dahil sa panganib na maaaring dala nito. Huwag hawakan ang mga electrical appliances o switch na may basang kamay. Lumayo sa mga nakalantad o nakabitin na kable lalo na sa mga basang lugar at ipagbigay alam agad sa mga awtoridad kung may napansing nakabagsak na linya ng kuryente.
6. ๐ ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐ป๐ฒ๐ต๐ผ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐๐ฎ๐ฑ๐ฎ
Nagiging madulas ang kalsada at bumababa ang visibility kapag umuulan kaya kailangang mag-ingat sa pagmamaneho. Bawasan ang bilis at panatilihin ang tamang distansya sa harap na sasakyan. Buksan ang mga ilaw para mas makita ng iba at ng sarili mo ang daan at siguraduhing maayos ang mga wiper ng windshield.
7. ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ต๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Mahalaga ang tamang kalinisan upang maiwasan ang mga impeksyon. Hugasan ang mga kamay gamit ang sabon at tubig, kung wala, maaaring gumamit ng hand sanitizer bilang alternatibo. Kapag nabasa ng ulan, maligo at magpalit ng malinis na damit.
8. ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป
Suriin at ayusin ang mga tagas sa bubong, bintana, at pinto. Maghanda ng mga emergency supplies tulad ng sandbags, tarp, at repair kits. Maghanda sa posibleng brownout gamit ang flashlight, baterya, at backup power source kung kaya. Kung may panganib ng landslide o flashflood, tuklasin agad ang pinakamalapit na evacuation center para makaiwas sa panganib.
Ang panahon ng tag-ulan ay nagdadala ng pagsubok. Sa pamamagitan ng wastong pag-iingat at pagiging handa, matitiyak mong ligtas, malusog, at komportable ang iyong pamilya. Hฬฒuฬฒwฬฒaฬฒgฬฒ ฬฒkฬฒaฬฒlฬฒiฬฒmฬฒuฬฒtฬฒaฬฒnฬฒ ฬฒnฬฒaฬฒ ฬฒaฬฒnฬฒgฬฒ ฬฒmฬฒuฬฒnฬฒtฬฒiฬฒnฬฒgฬฒ ฬฒpฬฒaฬฒgฬฒhฬฒaฬฒhฬฒaฬฒnฬฒdฬฒaฬฒ ฬฒaฬฒyฬฒ ฬฒmฬฒaฬฒlฬฒaฬฒkฬฒiฬฒnฬฒgฬฒ ฬฒbฬฒaฬฒgฬฒaฬฒyฬฒ ฬฒpฬฒaฬฒrฬฒaฬฒ ฬฒmฬฒaฬฒiฬฒwฬฒaฬฒsฬฒaฬฒnฬฒ ฬฒaฬฒnฬฒgฬฒ ฬฒaฬฒkฬฒsฬฒiฬฒdฬฒeฬฒnฬฒtฬฒeฬฒ ฬฒaฬฒtฬฒ ฬฒkฬฒaฬฒrฬฒaฬฒmฬฒdฬฒaฬฒmฬฒaฬฒnฬฒ.ฬฒ Mag-ingat palagi, panatilihing tuyo ang sarili, at sulitin ang malamig na simoy na dala ng tag-ulan ng mayroong paghahanda!
Mga Sangunian:
[1] Lei. (2025, July 19). Staying safe and healthy during the rainy season in the PH. Pest Control Services in the Philippines | Environment. https://environet.com.ph/blog/how-to-stay-safe-and-healthy-during-the-rainy-season-in-the-philippines/
[2]Lifestyleplusph. (2025, July 21). Rainy season health alert. Lifestyleplusph. https://lifestyleplusph.com/stay-healthy-during-the-rainy-season-essential-precautions/
[3] Hlmbc. (2024, July 2). Stay Safe This Rainy Season: Essential Tips for Health and Well-Being. Healthserv Los Baรฑos Medical Center. https://healthserv.com.ph/alert/stay-safe-this-rainy-season-essential-tips-for-health-and-well-being/ #:~:text=Wash%20your%20hands%20regularly%20with,%2C%20cough%2C%20or%20skin%20infections.
๐๐จ๐๐ ๐ง๐ฒ๐น๐ฒ๐ ๐ฒ๐ฑ ๐๐ฐ๐ฐ๐ฒ๐๐: ๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ, ๐๐ฒ๐น๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต