Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center

Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center An online platform which goal is to extend health information to our fellow Leyteños through social media.

14/11/2025
11/11/2025
09/11/2025

‼️DOH: IHANDA ANG MEDICINE KIT NA SASAPAT SA TATLONG ARAW‼️

Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang magla-landfall ang Typhoon Uwan sa katimugang bahagi ng Isabela o hilagang bahagi ng Aurora bukas ng gabi o Lunes ng madaling araw.

Kasalukuyan ding nasa Typhoon category ito ngunit inaasahang lalakas pa at magiging ganap na super typhoon sa mga susunod na oras.

Sa mga ganitong panahon, tumataas ang panganib ng pagkakasakit. Dahil dito, mahalagang tiyakin na may handa at kumpletong medicine kit ang bawat tahanan para agad matugunan ang mga simpleng karamdaman.

Buuin ang medicine kit na parte ng inyong Emergency Go Bag!
✅ Siguruhing ang gamot ay hindi pa expired at walang discoloration
✅ Dapat walang sira ang packaging ng mga gamot
✅ Ilagay sa matibay na lalagyan na hindi madaling mabasa o masira





09/11/2025
09/11/2025

JUST IN: Malacañang, sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 106, nagpahayag ng suspension ng klase at trabaho sa gobyerno sa Lunes, Nob. 10, 2025, sa NCR, Cordillera, at Rehiyon I, II, III, IV-A, IV-B, V, at VIII dahil sa Super Typhoon (Fung-wong) na may malalakas na hangin at matinding ulan.



08/11/2025

🌧️ Let Us Pray for Protection from Typhoon Uwan 🌧️

As Typhoon Uwan nears the Philippines, let us unite in prayer for safety and strength. May the Lord calm the winds, shield every family from harm, and guide those working to protect and serve others.

Through the intercession of Our Lady of Perpetual Help and St. Michael the Archangel, may God’s mercy cover our nation and bring peace in the midst of the storm.

🙏 “He reached out His hand, caught hold of him, and said, ‘You of little faith, why did you doubt?’” – Matthew 14:31

Allow us to pray for you and your loved ones: https://ewtnasiapacific.com/

03/11/2025

𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗨𝗥𝗜, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔, 𝗔𝗧 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗜𝗕 𝗡𝗔 𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 “𝗧𝗜𝗡𝗢”

Public Advisory No. 2025-043 | November 3, 2025

Ayon sa ulat mula PAGASA Visayas PRSD, patuloy ang monitoring sa galaw at sitwasyon ng Bagyong “Tino” na kung saan ito ay inaasahang unang tatama sa kalupaan ng Eastern Visayas. Dahil dito, asahan ang malakas na bugso ng hangin at katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon sa mga susunod na oras.

Katuwang ang DOH-Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) at iba pang ahensya, pinapaalalahanan ang lahat na maging alerto laban sa mga panganib at sakit dulot ng pagbaha at matinding pag-ulan, tulad ng leptospirosis, cholera, typhoid fever, hepatitis A, influenza-like diseases, malaria, at dengue.

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻, 𝗻𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻;
1. Siguraduhing ligtas ang inuming tubig; pakuluan ng 2–5 minuto kung may pagdududa.
2. Lutuing mabuti ang pagkain at ilagay sa mga sealed o covered na lalagyan ang mga tira.
3. Magsuot ng tamang damit upang manatiling tuyo at mainit.
4. Iwasang lumusong sa baha; magsuot ng bota at gloves kung kinakailangan. Ang paglusong sa marumi at kontaminadong tubig o baha ay maaaring mag resulta sa pagkakaroon ng sakit na Leptospirosis.
5. Bantayan nang mabuti ang mga bata at huwag hayaang maglaro sa baha o ulan. Kung saka-sakaling malubog sa baha, agad na maghugas ng kamay at katawan gamit ang sabon at malinis na tubig upang maiwasan ang sakit na leptospirosis.
6. Panatilihing malinis ang katawan at ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
7. Itapon nang maayos ang basura sa tamang lalagyan.
8. Ihanda ang emergency kit. Ilagay sa isang waterproof container ang malinis na tubig, de-lata, biscuits, mga ready-to-eat na pagkain, flashlight, extrang baterya, at damit.
9. Agad na kumonsulta sa doktor kung makakaranas ng mga sintomas ng impeksyon o sakit.
Patuloy na magbantay sa mga ulat ng panahon sa radyo, TV, o cellphone.
10. Manatiling updated at sundan ang mga abiso mula PAGASA, Municipal/City/Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (M/C/PDRRMC), at DOH-EVCHD.

Manatiling alerto, ligtas, at handa. Tandaan na sa tamang kaalaman at impormasyon, masisiguro ang kalusugan at kaligtasan ng inyong pamilya.

03/11/2025
03/11/2025

Maging alerto, mga lalawigan ng at !

NDRRMC(1:43PM,03Nov25) Red Rainfall Warning sa Leyte at Southern Leyte. Asahan ang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.



03/11/2025

PRAYER FOR PROTECTION FROM THE TYPHOON

Lord, we implore Your grace and mercy as we pray for safety and protection upon our nation. We believe that Your mighty hand can change the course of this typhoon so as not to cause damage and loss to our lives and homes. Guide our steps so that we may all be prepared to respond and help one another in times of calamity.

In Jesus' Name, Amen.

JESUS, KING OF MERCY WE TRUST IN YOU!
IMMACULATE CONCEPTION, PRAY FOR US!

Address

Brgy. Poblacion
Leyte
6533

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram