08/12/2025
LIANEÑOS, TARA AT MAGBIGAY-BUHAY TAYO!
Papalapit na ang Kapaskuhan. Panahon ito ng pagbibigayan, pagtutulungan, at pag-asa. Sa diwa ng bayanihan, inaanyayahan ang lahat ng Lianeños na makiisa sa Lian Mass Blood Donation Drive ng Local Government Unit of Lian, Batangas sa pamamagitan ng Lian Municipal Health Office.
Date: December 15, 2025
Time: 8:00 AM to 12:00 noon
Venue: Lian Town Plaza
Ngayong papasok na ang Pasko, isang napakagandang regalo ang maibabahagi mo, ang regalo ng buhay. Sa bawat patak ng dugo, may isang taong muling magkakaroon ng pag-asa at pagkakataong makapiling ang kanyang pamilya.
Sino ang pwedeng mag-donate ng dugo?
• Edad: 18 years old pataas
• Bigat: 50 kg pataas
• BP: Hindi lalampas sa 140/90 sa oras ng donation
• Alak: Hindi nakainom ng alak 1 araw bago mag-donate
• Tulog: May 5 oras o higit pang tulog noong gabing bago ang donation
• May tattoo? Dapat 1 taon o higit pa mula sa huling tattoo
• Kalusugan: Walang ubo o sipon sa araw ng donation
• Last donation: Maaring mag-donate kung nakalipas na ang 3 buwan mula sa huli mong pag-donate ng dugo
Hindi ka sigurado kung pwede ka mag-donate?
Huwag mag-alala. May doktor sa mismong venue na magsasagawa ng screening para matiyak na ligtas at maayos ang proseso.
Sama-sama tayong Lianeños sa paghatid ng tunay na diwa ng Pasko: ang pagtulong, pag-aalay, at pagligtas ng buhay.
Maraming salamat po, at magkita-kita tayo sa Lian Town Plaza!